Rodrigo Duterte

Libreng sakay sa MRT-3 Mar. 28-April 30

March 24, 2022 Jun I. Legaspi 510 views

HANDOG ng pamunuan ng Metro Rail Trabsit 3 (MRT-3) at Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay para sa mga pasahero ng MRT-3 line mula ika-28 ng Marso hanggang ika-30 ng Abril, 2022.

Ito ay pagdiriwang sa matagumpay na pagtatapos ng rehabilitasyon ng MRT-3, na pinasinayaan noong ika-22 ng Marso, 2022, ni mismong Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Upang mas maraming pasahero ang personal na makasaksi at makaranas sa mga pagbabagong dulot ng pagtatapos ng rehabilitasyon ng MRT-3, gagawing libre ang pamasahe para sa lahat sa loob ng isang buwan.

Walang anumang kailangang bayaran ang mga pasaherong sasakay mula at patungo sa kahit anong istasyon ng MRT-3.

Inaasahang makapagbibigay rin ang month-long free ride ng kaginhawaan sa mga pasahero sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga petrolyo at bilihin, at ang pagbabalik ng mas maraming empleyado sa kanilang trabaho.

Inanunsyo ni Pang. Duterte ang FREE RIDE sa inagurasyon ng pagtatapos ng rehabilitasyon ng MRT-3, kung saan sinabi niyang isang kritikal na proyekto ng “Build Build Build” program ang MRT-3 rehabilitation.

“I want to take this opportunity to promote the rehabilitated MRT-3 to the commuting public and assure our kababayans that the service disruptions are a thing in the past,” sabi ni Pang. Duterte.

Nagtapos ang rehabilitasyon ng MRT-3 noong Disyembre 2021, kung saan in-upgrade ang buong subsystems ng linya–mula rolling stocks at depot equipment, hanggang tracks, signaling, power at overhead catenary system, at station facilities.

AUTHOR PROFILE