Default Thumbnail

Libreng Sakay sa EDSA-Carousel hiniling ipatupad

January 29, 2023 Jun I. Legaspi 341 views

MAHIGPIT na nanawagan ang transport at commuter group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipatupad ang Libreng Sakay Program sa EDSA-Carousel sa lalong madaling panahon.

Sa interview idiniin ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LTFRB) gaano man kaliit o kaikli ang itagal ng appropriated budget na ina aprub ng Senado at Kongreso dapat itong sundin ng (LTFRB).

Ang panawagan ay ginawa ni Inton matapos sabihin ni LTFRB na posibleng hindi na ipatupad ang LSP at pinag-aaralan ng agency na magbigay na lamang ng discount sa pamasahe.

Ayon kay Inton dapat na ipatupad ito ng (LTFRB) kahit gaano kaliit ang pondo at gaano man kaikli ang itagal nito ang importante sumunod sila sa ibinigay na pondo ng Senado at naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng P1.28 bilyon para sa Libren Sakay program.

“Kung tumagal ng 1 buwan so be it, eh yan yung pondong inilaan ng Senado eh, at naniniwala kami sa (LCSP) na pinag-aralan ito mabuti ng Senado at kung dapat dagdagan sila ang mas nakakaalam, kaya dapat lang ipatupad agad ng (LTFRB) ang LSP sa EDSA-Carousel,” saad ni Inton.

Ayon kay Inton sa monitoring ng kanilang grupo at iba pang mga organization napakalaking tulong ang naibibigay ng LSP-EDSA Carousel lalo na sa mga ordinaryong mga manggagawa, studyante at iba pang regular na pasahero nito.

Kaugnay nito nanawagan ang mga transpor groups sa buong bansa na dapat din isama ng Senado at Kongreso ang iba pang lugar sa program ng Libren Sakay ng gobyerno.

“Bakit laging EDSA lang ang nakikinabang sa programa eh mas maraming pasahero ang sumasakay iba’t-ibang lugar, papasok at papalabas ng Metro Manila,” saad ng mga transport groups.

AUTHOR PROFILE