Default Thumbnail

Libreng Sakay hanggang Nov. 6

October 25, 2021 Jun I. Legaspi 982 views

HANGGANG November 6, 2021 na lang ang Service Contracting Program o “Libreng Sakay Program” ng gobyerno na ipinatutupad ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (DOTr-LTFRB).

Sa Memorandum Order na inilabas ng (LTFRB) sakop ng naturang termination order ang Central Office at Metro Manila o National Capital Region (CO-NCR), ibig sabihin sa Nov. 7, 2021 terminated na ang program para sa public transportation.

Ayun din sa nasabing MO sa Region 1,2,3,4A,4B,5,7,8,9,10, 12 at Cordillera Administrative Region, hanggang October 30, 2021 ay terminated na rin ang programa.

Sa Region 6,11, at CARAGA ang programa ay terminated na nitong Saturday October 23, 2021.

Sa hiwalay na interview sinabi ni Atty. Vigor Mendoza II, chairman ng Kilusan ng Pagbabago sa Industirya ng Transportasyon (KAPIT) at fleet operator ng Beep Jeep.

“Maganda sana ang programa. Sana mabigyan pa ng budgetary support”.

Sinuportahan din ng mga commuter ang pahayag ni Mendoza at marami ang nalungkot at dismayado kung totoo nga hanggang Nov. 6, 2021 na lang ang LSP.

“Ang laking tulong talaga sa aming mga ordinary workers ang libreng sakay program, yung natitipid namin sa pamasahe nagagamit naming pambile ng essential gaya ng gamot, bigas at iba pa kaya sana tuloy tuloy pa,” saad ng mga sumasakay sa LSP.

Ayon sa record simula noong September 13, 2021 hanggang October 21,2021 umabot na sa 19,701,144 ang nakinabang sa Service Contracting o Libreng Sakay Program ng DOTr-LTRB.

Samantala sa text message sinabi ni Assistant Secretary Goddes Hope Libiran ng DOTr tuloy-tuloy ang programa hanggang may budget sa service contracting.

AUTHOR PROFILE