Default Thumbnail

‘Libreng Sakay’ 24/7 na ngayong Disyembre

December 1, 2022 Jun I. Legaspi 249 views

INANUNSIYO ng Department of Transportation (DOTr) na simula Disyembre 1, 2022 ay epektibong 24 oras na ang operasyon ng “Libreng Sakay” ng EDSA Busway.

Ang programa ay tatagal hanggang Disyembre 31, 2022 sa ilalim ng Service Contracting Program (SCP) ng Transportation department at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Base sa inilabas na Board Resolution no. 174 at no. 176 s. 2022, nasa 100 Public Utility Buses (PUBs) ang tatakbo sa EDSA Busway sa extended operational hours, mula 11:01 p.m. hanggang 3:59 a.m.; habang 650 PUBs mula 4:00 a.m. hanggang 11:00 p.m. na tinatayang nasa tatlong “round trip” o anim na single trip mula Monumento station hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ang naturang desisyon ay kasunod ng inaasahang pagdami ng mga pasaherong namamasyal dahil sa extended mall hours ngayong Christmas season. Nagsimula na ang extended mall hours mula ika-14 ng Nobyembre 2022 hanggang ika-6 ng Enero 2023, mula 11:00 a.m. hanggang 11:00 p.m.

Matatandaang naisakatuparan ang programa upang makatulong sa mga commuter dulot ng “Libreng Sakay,” gayundin sa ating mga operator at driver na binabayaran ng gobyerno sa bawat biyahe na kanilang itinakbo at nakumpleto kada linggo.

Ito ay unang inilunsad noong Nobyembre 2020 sa ilalim ng “Bayanihan to Recover as One Act” at pinayagan na i-extend hanggang ika-31 ng Disyembre 2022 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

AUTHOR PROFILE