Classic

Libreng pelikula at serye sa ABS-CBN Superview

September 22, 2021 Ian F. Fariñas 351 views

TulUy-tuloy ang libreng panonood sa YouTube ng mga classic Pinoy teleserye at blockbuster movie na hatid ng ABS-CBN sa pamamagitan ng ABS-CBN Superview sa iba’t ibang channels nito ngayong Setyembre.

Mag-subscribe na sa Black Sheep YouTube channel para mapanood ang hugot movie nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino na Exes Baggage na may English subtitles.

Kwentong pampamilya naman na Seven Sundays at ang romance drama na Miss You Like Crazy nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang libreng ipinapalabas ngayon sa Star Cinema YouTube channel.

Mababalik-balikan na rin ng buong pamilya ang mga seryeng minahal ng mga Pinoy sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel, kung saan mapapanood ang episodes ng fantasy adventure series na Wansapanataym at MMK.

Ipinapalabas din ang anthology series na The Maricel Drama Special tampok ang nag-iisang Diamond Star bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-50 taon niya sa showbiz.

Dumarami na rin ang titles na may foreign language dubbing at subtitles sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Nariyan ang Spanish-dubbed episodes ng teleseryeng Pangako Sa ‘Yo ng KathNiel, Spanish-dubbed movies na You’re My Boss nina Toni Gonzaga at Coco Martin, The Third Party tampok sina Sam Milby, Zanjoe Marudo at Angel Locsin, ang horror film na Feng Shui 2, pati na rin ang English-subbed na Barcelona: A Love Untold.

Mai-enjoy pa ang maraming libreng movies, paboritong Kapamilya teleseryes, at shows kapag nag-subscribe sa YouTube channels ng ABS-CBN Entertainment, Star Cinema at Black Sheep.

AUTHOR PROFILE