Police Ang mga kapulisan habang nag-susukat ng salamin sa mata. Larawan mula sa Batangas PPO PIO

Libreng checkup sa mata isinagawa sa Batangas

April 30, 2023 Jojo C. Magsombol 293 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas — Nagsagawa ang Batangas Police Provincial Office (BPPO) sa pamamagitan ng Police Community Affairs and Development Unit (PCADU) ng libreng pagsusuri sa mata katuwang si Dr. Jerry E. Ramos, may- ari ng
Dr. Jerry Ramos Clinic, sa multi-Purpose Center noong Miyerkules, Abril 26.

Kasabay nito, ibinahagi ni Ma. Sheya Y. Macatangay, 1st Runner-up PCADU Ambassador, ang kanyang karanasan bilang PCADU Ambassador 2023 at kung paano niya nililiwanagan ang komunidad ng mga mabubuting gawa, iba’t ibang aktibidad ng PNP sa kanyang social media platform.

“Ang pakikipag-ugnayan sa komunidad sa pamamagitan ng mga outreach programs, medical mission at pamamahagi ng mga food packs ay lubhang nakakatulong sa komunidad at nagdudulot ng positibong pananaw sa mga pulis,” aniya.

Tinalakay ni Dr. Jerry Ramos, pangunahing pandangal sa programa, ang kahalagahan ng pag-aalaga ng mata ng bawat indibidwal lalo na sa panahon ngayon na talamak na ang paggamit ng gadgets.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni P/ Lt. Col. Danilo G. Mendoza, Deputy Provincial Director for Operations (DPDO), na ang kalusugan ay kayamanan.

“Nagpapasalamat po ang Batangas Police sa serbisyong ipinagkaloob at pagmamalasakit ng Dr. Jerry Ramos Clinic. Malaking tulong po ito para sa aming mga tauhan lalo na sa ikabubuti ng kanilang pagtatrabaho upang makapagbigay ng maayos na serbisyo,” saad pa ni Soliba.

AUTHOR PROFILE