Libreng check-up ng mga mahihirap, matatanda sinasagot ng ACT-CIS

October 17, 2021 People's Tonight 588 views

LINGID sa kaalaman ng karamihan ilang mga mahihirap na mga kababayan at senior citizens ang tinutulungan ng ACT-CIS araw-araw para sa x-ray, ECG, at ultrasound.

Tatlo hanggang limang kababayan ang sinasagot ng ACT-CIS araw-araw sa pagpapa-check up sa doktor.

“Hindi naman kasi namin maatim na pauuwiin na lang yung mga mahihirap na may nararamdaman pag lumapit sa opis namin. Halimbawa mga buntis kailangan ng ultrasound o mga senior kailangan ng x-ray o ECG, sinasagot na namin yun,” ayon kay ACT-CIS nominee Edvic Yap.

Dagdag pa ni Yap, ang Erwin Tulfo Action Center ang nakipag-ugnayan sa Medical City Clinic sa Quezon City para sa nasabing libreng check-up.

Magdala lang ng indigency certificate o valid senior citizen ID para sa nasabing libreng check-up.

AUTHOR PROFILE