Default Thumbnail

LGUs pinanindigan NCAP, PBBM aprub sa digitalization

August 18, 2022 Edd Reyes 295 views

NAGKAISA ang mga pinuno ng mga Lokal na Pamahalaan sa Metro Manila na manindigan sa implementasyon ng No Contact Apprehension Program (NCAP) sa kani kanilang nasasakupang lungsod sa kabila ng mga reklamo.

Sa inilabas na nagkakassang pahayag ng mga local government units (LGUs) sinabi ng mga ito na itutuloy nila ang pagpapatupad ng NCAP upang maturuang sumunod sa batas-trapiko ang mga motorista at maging ligtas ang mga mananakay.

Kabilang sa mga pinuno ng mga lokal na pamahalaan na naninidigan sa pagpapatupad ng NCAP ang mga lungsod ng Maynila, Valenzuela City, Paranaque City, Quezon City at San Juan.

Binigyan diin ng LGUs na ang pagpapatupad ng NCAP ay dumaan at inaprubahan ng kani-kanilang Sangguniang Panlungsod sa layuning mabawasan ang human intervention sa traffic enforcement, madisiplina ang mga motorista at matiyak ang kaligtasan ng motorista at publiko.

Mismong ang Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. anila ang nagsabi na dapat nang maging digitize ang gobyerno upang maging accesible sa publiko at maayos na pagseserbisyo.

Kaugnay nito, kinikilala at nirerespeto rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang desisyon ng mga LGUs kaugnay ng pagpapatupad NCAP.

Ito’y alinsunod naman sa pagkakaroon ng local autonomy ng mga LGUs na nakasaad sa Local Government Code of 1991 (Republic Act No. 7160).

“LGUs shall enjoy genuine and meaningful local autonomy to enable them to attain their fullest development as self-reliant communities and make them more effective partners in the attainment of national goals”. Further, the law also provides that any provision on a power of a local government unit shall be liberally interpreted in its favor” and any fair and reasonable doubt as to the existence of the power “shall be interpreted in favor of the local government unit concerned”, nakasaad sa Local Government Code.

AUTHOR PROFILE