Default Thumbnail

LGBT hinalay ng kaibigang lalaki

May 18, 2022 Melnie Ragasa-limena 314 views

SWAK sa piitan ang 22-anyos na lalaki nang pagsamantalahan umano ang binatilyong kaibigan na miyembro din umano ng lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) matapos mag-inuman sa kaniyang tahanan sa Quezon City, nitong Lunes ng umaga.

Ang 22-anyos na suspek na residente ng Barangay Kaligayahan, Quezon City ay kasalukuyang nakakulong sa Pasong Putik Proper Police Station (PS-16) ng Quezon City Police District (QCPD).

Ayon sa report bandang 5:00 ng umaga (May 16), nang maganap ang panghahalay sa biktima sa tahanan ng suspek sa nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon ni PCpl Julie An Gamora ng PS-16, matapos maglaro ng volleyball sa Constellation Covered Court, sa Caloocan City, ay niyaya ng suspek ang 17-anyos na biktima at iba pang mga kabigan na mag-inuman muna sila sa kanilang bahay sa Barangay Kaligayahan sa lungsod.

Dahil sa matinding kalasingan ay nakitulog na umano ang biktima sa bahay ng suspek pero habang nasa kahimbingan umano siya nang pagkakatulog ay naramdaman niyang hinubad ng kaibigan ang kaniyang suot na short pants at pilit na ipinasok ng ari nito sa kaniyang puwitan.

Nagtangkang tumakbo ang biktima subalit hinawakan siya nang mahigpit ng kaibigan saka sinakal hanggang sa maisaktuparan ng suspek ang kaniyang pagnanasa.

Nang makauwi ang biktima ay agad siyang nagsumbong sa mga magulang at ipinaaresto ang suspek sa mga awtoridad.

Nakapiit na ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 8353 (Anti Rape Law of 1997) at RA 7610 (Anti Child Abuse Law) laban sa kaniya. Ni MELNIE RAGASA-JIMENA