
‘Let go and flow’
HINDI lang waterfalls ang bumuhos sa latest post ng model at social media star na si Christina Schott, kundi pati na rin ang pawis at hinagpis ng kanyang mga tagahanga.
Sa isang basaang litrato, hindi tubig ang tunay na agos kundi ang kanyang nakakabighaning alindog. Suot ang isang hapit na purple bra at kapos na shorts, sumabog ang kaseksihan ni Christina, habang walang kahirap-hirap na pinapakita ang kanyang pamatay na kurbada at pang-international na face card.
Ani Christina sa naturang post, “Waterfalls: the earth’s way of reminding us to let go and flow.”
Samantala, hindi na kinaya ng netizens ang init! Sa loob lang ng ilang oras, napuno ng likes at shares ang kanyang post.