Leni Robredo may P14M pambayad sa FB ads pero walang binigay kahit singkong duling sa Odette victims

January 17, 2022 Marlon Purification 327 views

Marlon PurificationHANGGANG ngayon ay masama ang loob ng libong mga biktima ng bagyong Odette lalo na nang malaman nilang gumastos ng P14 million si Vice-President Leni Robredo para lamang sa advertisement sa Facebook.

Kung matatandaan, mismong si Southern Leyte Gov. Damian Mercado ang nagsabi sa media na walang binigay na pera si Robredo kundi nangako lamang itong magpapadala ng tulong.

Magkasunod na dumating sa kanilang probinsiya sina Robredo at katunggaling si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Sinabi ni Gov. Mercado na si Marcos ay nagbigay ng P2 million cash, bukod pa sa mga tubig, ilang relief goods at mga water filtration. Samantalang si Robredo ay wala umano itong dala kundi ang kanyang sarili at pangakong magpapadala rin siya ng tulong.

“Wala na nga siyang dala kahit kendi, inabala pa niya ang mga tao dahil sa halip na mag-asikaso ng mga gagawin noong matapos ang bagyo, nagpa-VIP pa siya,” anang isang residente sa Bohol.

Ang Typhoon Odette kung matatandaan ay nanalanta noong Disyembre 12 sa 10 rehiyon, partikular na sa Regions 5, 6, 7, 8, 10, 11, 12, Caraga, Calabarzon at Mimaropa.

Umabot sa 407 katao ang sinasabing namatay dito, samantalang 332 pa ang nawawala na puminsala ng mahigit sa P7.6 billion halaga ng ari-arian.

Isinusulat ito’y patuloy ang ginagawang pagpapasalamat ng mga local officials kay Marcos dahil sa kabila ng matinding pagtaas ng COVID cases sa ilang bahagi ng Luzon at Metro Manila ay wala pa ring tigil ang ipinadadalang ayuda ng kampo nito.

Bukod sa cash, damit, vitamins, gamot, relief goods, tubig, water filtrations kits ay nagbigay din ito ng hindi mabilang na generator sets at satellite dish.

Iba’t ibang mensahe ng pasasalamat na ang ipinalalabas ng mga local officials sa kani-kanilang FB page partikular na sina Bohol Rep. Aris Aumentado, Tagbilaran City Mayor Baba Yap, Liloan Cebu Rep. Duke Frasco, Mayor Christina Garcia Frasco, Bohol Gov. Arthur Yap, Surigao del Norte Cong. Bingo Matugas, Gov. Francisco Matugas at marami pang iba.

Sa isang pahayag, sinabi ni Marcos na ang dapat pasalamatan ng mga biktima ni Odette na nakikinabang ngayon sa mga ipinadadala nilang ayuda ay ang mga supporters at volunteers na patuloy pa ring nagbibigay tulong ngayon para sa kanila bukod pa ang kabi-kabila ring pamilya nila ng PPEs sa mga health care workers sa Metro Manila at kanugnog na probinsiya dahil naman sa pagtaas ng mga COVID case.

Kung puro pasasalamat ang inabot ni BBM, sandamakmak na batikos ang inabot naman ng kampo ni Robredo lalo na nang maglabas ng ulat ang Philippine Center for Investigation Journalism (PCIJ) na ang pambato ng Pinklawan ang ‘Top Spender’ o Reyna Gastadora pagdating sa mga anunsiyo sa Facebook page.

Nabatid na mula August 4, 2020 hanggang December 31, 2021, umabot na sa sa P14.1 million ang nagastos sa FB ads ni Robredo.

Sinabi sa ulat na lalong lumaki ang gastos ni Robredo sa FB ads nang mag-file ito ng candidacy noong October 2021.

Binanggit pa sa ulat na kahit ‘singko’ ay walang ginastos si Marcos sa mga ads sa FB page.

“Hiyang-hiya kami sa propaganda ng Pinklawan. Ang dami pala nilang panggastos sa FB ads, tapos sa amin wala siyang binigay. Ba’t pala siya pumunta rito, para magpa-cute at gamitin kami sa propaganda. Isa siyang malaking abala!,” kuwento ng isang local official sa inyong lingkod!