Leni

Leni olats sa mga nanay

April 28, 2022 Lee Ann P. Ducusin 70 views

KINONDENA ng ibat-ibang grupo ng mga magulang ng mga estudyante na na-recruit umano ng umano’y CPP-NPA supporters ni Leni Robredo.

Sa isang rally na kanilang isinagawa kamakailan, nanawagan ang mga magulang mula sa mga grupong Yakap ng Magulang Movement (YMM) at League of Parents of the Philippines (LPP), na hindi dapat ipagkatiwala kay Robredo ang kinabukasan ng mga kabataan dahil sa pakikipag-alyansa umano nito sa mga teroristang NPA.

Ayon kay Relissa Santos Lucena, walang puwang sa pamahalaan na iboto, ipanalo at papuwestuhin ang mga kaalyado ng CPP-NPA-NDF.

Nakadidismaya aniya ito sa kabila ng pagsisikap na ginagawa ngayon ng pamahalaang Duterte, partikular na ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Nananawagan din si Lucena sa mga kapwa magulang na bantayan,maging maingat at mapagmatyag para sa kanilang mga anak.

“If you are really pro-human rights. If you are really pro-family. If you’re really pro- children, if you’re really pro-women’s right, dapat hindi mo kasama sa mga rally, caravan at kung anu-ano pang meetings ang mga miyembro at mga opisyales ng CPP-NPA-NDF dahil sila ay mga teroristang nagre-recruit ng ating kabataan,” ani Arlene Escalante, spokesperson naman ng YPP.

Bilang isang ina na nangungulila ngayon sa isang anak na ni-recruit ng teroristang NPA, batid aniya niya ang panganib na ibibigay ng NPA ngayong eleksiyon.

“Hindi ito haka-haka. Kami na bumaba sa mismong laylayan, si Leni si Colmenares, talagang ini-engganyo ang mga kabataan. Dinadala sa mga rally patungo sa rebolusyon na isinusulong nila,” ani Escalante.

Kung matatandaan, kinumpirma mismo ni Col. Samuel Mina, hepe ng Caloocan City PNP, na ang naganap na ‘concert rally’ ni Robredo sa naturang lungsod kamakailan ay nahaluan ng mga teroristang NPA.

Ayon kay Mina, karamihan din sa mga dumalo sa rally ay mga menor de edad na pinadala ng kani-kanilang eskuwelahan na sumusuporta sa kandidatura ni Robredo.

“Nanawagan ako na gabayan ninyo ang inyong mga anak lalo na ngayong eleksyon. Mahirap makabalik ang mga dilawan sa gobyerno dahil masasayang ang pinaghirapan natin,” sabi naman ni Relisa.

Ani Escalante, ang NPA ay pumapatay at nangingidnap ng bata para maging child warriors.

AUTHOR PROFILE