Leni1 Vice President Leni Robredo

Leni nag-banca pang-photo op

March 18, 2022 Lee Ann P. Ducusin 400 views

KUMAKALAT ngayon sa social media ang ilang larawan ni Leni Robredo kasama ang kaniyang katambal na si Kiko Pangilinan na bumababa sa isang maliit na bangka para mangampanya sa isang lugar sa Basilan sa Mindanao kamakailan.

Kasabay nito, binanatan naman ng ilang netizen ang tila lakas ng loob ni Robredo na bumaba sa Basilan kahit sa kalagitnaan ng gabi na alam naman na kilalang lugar ng ilang teroristang Abu Sayyaf.

Ilan pa ang nag-kuwestiyon na tila totoo nga ang sinabi ni Sharon Cuneta sa isang campaign sortie ng kampo ni Robrtedo na bukod sa New People’s Army (NPA) ay “friends na rin sila sa Abu Sayyaf.”

“Bukod sa NPA mukhang pati nga teroristang Abu Sayyaf friends na rin nila, katulad ng sabi ni Sharon (Cuneta),” giit ng isang netizen.

Kamakailan ay matatandaang sinabi ni Cuneta sa isang campaign sortie na “siya (Robredo) ang kauna-unahang presidente na paniniwalaan ng NPA. Pati Abu Sayyaf friends na natin.”

Kahit naunang sinabi ni Cuneta na fake news ito at “That’s not true,” idinagdag niya na, “Pero kung totoo iyun, Si Leni ang kauna-unahang presidente na may ‘link’ sa NPA.”

Ibinuking pa ng ilang netizen partikular ang mga taga-Mindanao na tila drama lamang ang nangyari dahil nakita nila na sumakay sa mamahaling yate at speedboat ang grupo ni Robredo at lumipat lamang ito sa maliit na bangka nang malapit na sila sa Basilan.

“The photo-op dramas and hakot continue. Abs-Cbn news release this picture of Leni disembarking from a bangka upon reaching Basilan,” ayon sa netizen na si Jay Padriga.

“Some Basilan residents who saw the VP’s arrival now say that she and her team used a yacht and speedboat, but they transferred to a bangka before reaching the port. Why? For better visual impact when released by the mass media, maybe?” tanong pa ni Padriga.

Nagpakita rin si Padriga ng ilang mga van sa lugar na tila naghakot ng crowd ang grupo ni Robredo.

“The white vans are already lined up. Nag-ambangan na naman ang mga Ito,” dagdag pa ng netizen.

Giit naman ng isa pang netizen, tila ang kinuha lamang ng media ay ang pagsakay ni Robredo at kaniyang grupo sa maliit na bangka pero sinadyang hindi isinama ang pagsakay nila sa yate at speedboat.

“Bakit yung sa maliit na bangka lamang ang ipinakita, siguro para may drama? Para magmukhang para sila sa masa,” ayon naman sa isang netizen.

“Hindi na uubra sa amin ang ganyang gimik,” ayon naman sa isa pang netizen na nagpakilalang residente ng Basilan.

AUTHOR PROFILE