Default Thumbnail

Leni mahina, ‘dilawan’

April 6, 2022 Lee Ann P. Ducusin 740 views

Mga dahilan kaya di iboboto ng karamihan, ayon sa resulta ng Laylo survey

NANINIWALA ang karamihan ng mga Pinoy na mahinang lider si Leni Robredo at pinapaikot lamang siya ng grupo ng “dilawan” o mga pro-Aquino na mga grupo at pulitiko kaya siya tumakbo bilang pangulo.

Ito ang mga pangunahing dahilan kung bakit sigurado sila na hindi nila iboboto si Robredo, ayon sa resulta ng Laylo survey nitong Enero hanggang Marso.

Sa survey nitong Marso 15 to 22, 2022, 41 porsyento sa 3, 000 respondents ang nagsabi na hindi nila iboboto si Robredo dahil kaya itong impluwensyahan ng mga “dilawan.”

Sa isang survey na ginawa nitong Enero, 39. 39 porsyento naman ang nagsabi ng katulad na sagot habang 41 porsyento naman nitong Pebrero.

Ang pangalawang pinakamataas na dahilan naman kung bakit hindi nila iboboto si Robredo ay dahil naniniwala sila na mahina ang kanyang karakter bilang isang lider.

Aabot sa 34 porsyento sa mga respondents ang naniniwala na mahina siyang lider base pa rin sa survey nitong Marso.

Samantala, 16 porsyento ang nagsabi na hindi nila ito iboboto dahil sa kanyang pagiging babae; 15 porsyento naman ang nagsabi na mahihirapan na sumunod ang mga lalaking opisyal ng pamahalaan sa kanya; 15 porsyento rin ang nagsabi na hindi siya matalino at 15 porsyento pa ang nagsabi na hindi nila ito gusto dahil hindi Niya kasundo ang papalitang pangulo na si President Rodrigo Duterte.

Matatandaan na sa naturang survey, nakakuha si presidential frontrunner Ferdinand ’Bongbong’ Marcos Jr., ng score na 61 porsyento sa voters’ presidential preference rating at napanatili nito ang milya-milyang kalamangan na 42 porsyento sa kanyang pinakamalapit na katunggali.

Nasa malayong pangalawa si Robredo na mayroon lamang 19 porsyento; Isko Moreno at 9 porsyento, Manny Pacquiao anim na porsyento, Ping Lacson dalawang porsyento, at undecided na dalawang porsyento.

Nanguna rin si Marcos sa Laylo preferential survey sa lahat ng rehiyon.

Nag-deliver ang solid north ng pinakamataas na bilang ng voters’ preference rating na 86 porsyento sa Ilocos Region (Region 1), 86 porsyento sa Cordillera Autonomous Region, 84 porsyento sa Cagayan Valley (Region 2), at 62 porsyento sa Central Luzon (Region 3).

Malaki rin ang lamang ni Marcos sa mga probinsya ng Mindanao.

Sa Davao Region (Region 11) at Caraga (Region 13) nakakuha siya ng pinakamataas na 80 porsyento sa dalawang rehiyon, Socksargen (Region 12) 67 porsyento, Zamboanga Peninsula (Region 9) 66 porsyento, BARMM 63 porsyento, at Northern Mindanao (Region 10) 55 porsyento.

Nangunguna rin sa demographics si Marcos sa naturang survey.

Nakakuha siya ng 58 porsyentong voters’ preference rating sa Class ABC, 62 porsyento sa Class D, at 58 porsyento sa Class E.

Maging sa trust rating nanguna pa rin si Marcos na mayroong +53, sinundan ni Moreno na mayroong +16, Robredo -9, Lacson -11, at -23 kay Pacquiao.

AUTHOR PROFILE