Leni

Leni hinamong pag-initan teroristang NPA

March 29, 2022 Lee Ann P. Ducusin 164 views

MAS matino kaming mga sabungero keysa sa mga teroristang NPA na kaalyado ni Leni Robredo.

Ito ang sinabi ng mga sabungero sa bansa bilang reaksyon sa panawagan ni Robredo na dapat isara ang e-sabong o online sabong sa Pilipinas.

“Magtigil ka Leni Robredo, ‘wag kaming sabungero ang pag-initan mo. Ang asikasuhin mo iyang jueteng at droga sa probinsiya mo at iyang pakikipag-alyansa mo sa mga teroristang komunista,” ani Mang Kanor na isang game farm owner sa Indang, Cavite.

Matatandaang daang libong bilang ng sabungero ang nagsabing walang makukuhang boto sa kanila, sampu ng kanilang pamilya, ang kandidatura ni Robredo na pilit lamang sumawsaw sa isyu ng sabong online.

Sinabi ng mga sabungero na kung tuluyang isasara ang on-line sabong, libong trabahador sa sabungan sa buong bansa ang mawawalan ng trabaho na ang katumbas ay libo-libo pang miyembro ng kanilang pamilya ang magugutom at maging mga anak nila ay hindi makapag-aaral.

“Talagang may gana pa siya (Robredo) manawagan ng ganyan? Ano ipapakain n’ya sa pamilya namin?” sabi naman ni Ka Korning na isang caretaker ng farm sa Alitagtag, Batangas.

Sinabi ni Mang Julian na isang mananabong sa Pandi, Bulacan ay magandang pakinggan ang sinasabi ni Robredo na isara ang sabong online, ngunit iyon ay kung may alternatibong trabaho na ibibigay ito para sa mga daang libong bilang na mananabong sa Pilipinas.

“Kung may ibibigay kang trabaho puwede namang ihinto iyan. Pero kung wala, ikaw ang dapat huminto Leni kasi puro ka lang satsat. Puro ka wento, wala namang wenta,” sabi pa nito.

Hinamon pa ng mga sabungero si Robredo na kung talagang mahal nito ang mamamayang Pilipino, ang unahin nitong pag-initan ay ang mga teroristang NPA na isang malaking banta sa seguridad ng bansa.

Nagtataka ang karamihan ngayon kung bakit simula nang ibunyag nina Pangulong Duterte at Senator Ping Lacson ang pakikipag-alyansa nito sa teroristang komunista ay wala man lang itong nilalabas na malinaw na pahayag para itanggi ito at sa halip ay marami pang mga legal terrorist front ang kasa-kasama sa kanilang concert rally.

Lumakas tuloy ang paniniwala ng mga nasa intelligence community na may nilulutong marahas na plano ang LeniNPA kaugnay ng darating na halalan kapag natalo siya at kumain ng alikabok sa nangungunang si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.

AUTHOR PROFILE