Memo Ang ‘memo’ kung saan pinapadalo umano ang mga estudyante sa rally ni Leni

Leni ‘hakot crowd’ buking

April 20, 2022 Lee Ann P. Ducusin 253 views

Mga estudyante pinapadalo sa Cebu rally base sa isang liham

SA pangarap umano na mapantayan ang record-breaking na mahigit 300,000 tao na dumalo sa matagumpay na rally ng UniTeam sa Cebu noong Abril 18 (Lunes), agad na pinakilos diumano ng kampo ni Leni Robredo ang kanilang mga organizer sa lalawigan para utusan ang iba’t-ibang mga paaralan doon na obligahin na dumalo ang mga estudyante sa kanyang musical rally na gaganapin ngayong araw ng Miyerkules.

Nabuking naman ang planong ito ni Robredo dahil kumalat agad sa social media ngayon ang mga sulat kung saan ay maliwanag na pinadadalo ang mga estudyante sa nasabing aktibidad.

Isa sa mga sulat ay mula kay Edgardo Enriquez , OIC/ Dean ng College of Maritime Education ng University of Cebu (UC) kung saan ay inaatasan niya ang mga estudyante na dumalo sa rally ni Leni.

Nakasaad sa sulat na magkakaroon ng presidential campaign si Robredo sa Abril 20 (Miyerkules) kaya inatasan niya na magpadala ng 150 regular students sa bawat departmento ng University of Cebu na papuntahin sa nasabing pagtitipon.

“This is to inform your office that the University of Cebu will be having a presidential campaign of VP Leni Robredo this coming April 20, 2022, 1500H – 1600H at UCLM Annex Social Hall, snacks will be provided and Ms. Candice Gotianuy will be joining too,” sabi sa sulat.

“With this, please invite 150 regular students in each department to attend the said gathering… I want you’re (your sic) at most (utmost sic) cooperation,” pagpapatuloy ng sulat.

Hindi naman ikinatuwa ng mga ilang mag-aaral ang naturang pamimilit ng kanilang paaralan na padaluhin sila sa nasabing programa.

Ayon naman sa isang mag-aaral ng UC ay wala silang magawa sa kahilingan nila kasi nakasalalay ang kanilang grado kapag hindi sila pumunta.

“Sapilitan yung ginagawa nila, wala kaming magawa eh, kapag tumanggi kami maapektuhan yung grades namin, hindi nakakatuwa yung ginagawa nila, makikinig kami sa kanila para saan? Diktahan kami kung sino iboboto namin ngayong halalan?” reklamo ng mag-aaral.

“Marami sa amin ayaw pumunta, hindi naman kasi tungkol sa pag-aaral namin ang pag-uusapan dun, malamang tungkol sa kanila, alam na namin yun, nawalan kami ng karapatang tumanggi eh,” dagdag pa ng isang mag-aaral.

Napag-alaman din na may ibang ginawa pang instruction letter ang kampo ni Robredo sa ibat-ibang paaralan ng lalawigan ng Cebu, at base sa ulat ay mahigit 40 paaralan ang nakatanggap ng naturang liham.

Nag-arkila na din aniya sila ng mahigit tatlong daang sasakyan para sa mga pekeng supporter na bawat isa ay may makatatanggap na pera, collaterals at libreng pagkain.

Padala ang mga sasakyan sa ibat-ibang barangay ng Cebu na kinabibilangan ng mga truck, bus, jeep at mga multicab.

Ayon pa sa isang source, gustong higitan ng kampo ni Robredo ang ginawang rally ng kampo ni Marcos sa Cebu kaya nagpaulan ito ng pera, at bawat isa aniya ay makakatanggap ng P300-P500 cash, libreng pagkain at mga collaterals.

“Triggered sila sa rally ni BBM at Sara, nakita ng mga coordinators yung crowd eh kaya gusto nilang higitan, yun daw utos ni Leni sa kanila kaya dito sa barangay namin naghahakot na sila, may mga binigay nang collaterals, pink na damit at mask, may P200 nang downpayment na binigay sa amin, ‘yung kulang daw sa rally na,” ayon sa source.

AUTHOR PROFILE