Acosta Public Attorney’s Office (PAO) chief Atty. Persida Rueda-Acosta

Leni ‘di inurungan ni Atty. Acosta

April 11, 2022 Paul M. Gutierrez 822 views

“Lugaw” nakatikim kay PAO Chief

HINDI nagpatinag ang dati nang palaban na hepe ng Public Attorney’s Office (PAO) na si Atty. Persida Rueda-Acosta kahit sa pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

Ito’y matapos na “patikimin” ng PAO Chief ng maaanghang na salita si Vice President Leni Robredo hinggil sa issue ng Dengvaxia kung saan milyong kabataan ang nabiktima ng naturang bakuna.

Matatandaang nagpahayag kamakailan si Robredo na umano’y “irresponsible noisemaking scare” ang nangyari sa Dengvaxia, isang bakuna laban sa dengue, na dapat umanong iwasan sa COVID-19 vaccination.

Bagaman hindi siya pinangalanan, agad na pumalag si Acosta. Ang PAO at si Acosta ang tumayong ‘pro-bono lawyer’ ng mga pamilya na ang mga anak ay namatay matapos maturukan ng Dengvaxia sa kanilang paghahanap ng hustisya.

“Sisterly advice lang VP, pag-aralan mo muna ang bubukahin ng bibig mo bago ka magsalita, dahil pinariringgan mo kami dito eh. Eh lawyer lang kami dito eh,” maanghang na pahayag ni Acosta.

“Sino ka para magsabing irresponsible, maingay sa Dengvaxia. Magtigil ang mga iresponsable.

Masakit ‘yang ginagawa mo. Mangangampanya ka, sa background mo naka-flagship pa ang Public Attorney’s Office. Dati ka sa PAO tapos ikaw mismo yuyurak sa PAO?” bahagi pa ng mga palabang pahayag ni Acosta.

Sinabi pa ni Acosta na kung mananahimik sila sa isyu, yun ang matatawag umanong iresponsable.

“VP Leni, ireponsable po ba ang tulungan ang mga biktima ng Dengvaxia?

Ang mga biktima mismo ang nag-iingay sa kanilang social media accounts at bilang taga-PAO, trabaho namin na tulungan sila.

“Kung manahimik kami, ano na lang sasabihin ng mga kliyente namin na walang pambayad, na ibinenta namin ang kaso nila?” dagdag pa ng PAO Chief.

Ayon pa kay Acosta, alam ni VP Leni ang trabaho ng PAO dahil galing sya dito nung nagsisimula pa lamang siya bilang abogado.

AUTHOR PROFILE