Leni camp supalpal sa PNP

April 11, 2022 Lee Ann P. Ducusin 385 views

Di totoo na 220K dumalo sa Pampanga concert rally

NABUKO na naman ang ipinakakalat na umano’y ‘fake news’ ng kampo ni Leni Robredo.

Ito’y matapos silang supalpalin ng Police Regional Office (PRO) 3 at linawin na walang inilalabas na pahayag ang Pampanga police kaugnay sa sinasabi ni Robredo na umabot sa 220,000 katao ang pumunta sa kanilang rally sa San Fernando City kamakailan.

“On the Facebook post relative to the recent Leni-Kiko grand rally in Pampanga, Police Regional Office 3 – Regional Public Information Office has not released any official statement on said event as to the number of attendees and other details on said convention since the PNP remains apolitical and non-partisan,” anang Police Regional Office 3 sa kanilang FB account.

“More so, personnel are deployed at the venue solely to ensure public safety and security,” sabi pa ng PRO-3 na pinamumunuan ni Police Brig. Gen. Matthew P. Baccay.

Mula nang i-post ito ng PRO3 Lunes ng umaga, muling kinuyog ng mga netizens ang kampo ni Robredo.

Ayon sa isang komento, kitang-kita aniya kung gaano na kadesperada ang kampo ni Robredo dahil kahit makailang ulit na silang nabubuko sa pagdagdag ng eksaktong numero sa mga tagasuporta na pumupunta sa kanilang ‘concert rally,’ tuloy lamang ito sa pagsisinungalin.

“Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw! Sabagay, ninakaw na nila ang boto ni Marcos noong 2010 kaya hanggang ngayon sanay na silang magsinungaling at magdagdag ng numero sa kanilang rally,” sabi ng isang netizen.

Sinabi ng isang FB user na kung talagang gusto ni Robredo na patunayang marami siyang tagasuporta, dapat magsagawa siya ng isang motorcade na makikitang pinagkakaguluhan siya ng tao.

“Hindi kaya ni Leni iyan dahil nilalangaw lagi ang motorcade niya. Ang rally niya ay puro mga artista. Ang mga pumpunta sa kanya ay puro bayad. Buti na lang may mga pulis na katulad sa Central Luzon dahil kung hindi marami na naman ang maniniwala sa kasinungalingan ni Robredo,” sabi naman ng isang netizen.

AUTHOR PROFILE