Leni ‘buking’ na ‘dilawan’

March 31, 2022 Lee Ann P. Ducusin 211 views

Sa paglutang ni Kris sa sortie

SA halip na makatulong, tila lalo pang nakasama ang paglutang ng aktres na si Kris Aquino sa campaign sortie ni Leni Robredo matapos dagsain ng batikos sa social media na nagsasabing lumabas daw ang totoong kulay nila na dilaw at hindi pink.

Matagal nang iniiwas ng kampo ni Robredo ang kulay dilaw sa kanilang hanay kaya pink na ang kanilang ipinakilalang kulay nang tumakbo itong pangulo, pero sa paglutang ni Kris muling nangibabaw na ang totoong kulay nila ay dilaw at hindi pink.

“Lumabas din ang totoo nilang kulay. Hindi sila pink, dilaw talaga sila. Si Kris Aquino ang nagpatotoo nyan,” ayon sa isang netizen.

Maging ang taklesang pagbanat ni Aquino sa mga kalaban sa pulitika, hindi pinaligtas ng mga netizen.

“Kris Aquino is like the Liberal Party, elitist, egoist and a thing of the past,” ayon sa tweet ni Mikhael Corleone.

“Why does Kris Aquino always bring up her deceased family in her speech?,” ayon naman sa post ng isang Mr. Holmes.

Matatandaan na ilang kandidato na kaalyado ng yumaong si Pres. Noynoy Aquino ang nagtangkang umalis sa kulay na dilaw dahil sinasabing “kiss of death” ito.

Napatunayan ito sa Senate slate nila na tinaguriang “Ocho Diretso” nitong 2019 matapos matalo ang lahat ng kandidato na sinasabing “dilawan” sa naturang halalan.

Ito rin umano ang dahilan kaya pink at hindi dilaw ang ginamit ng kulay ng kampo ni Robredo.

“Kakampink rally in Tarlac confirmed what many just suspected: basta kakampink matapobre, mapanlait, elitista at higit sa lahat DILAWAN. Sayang ok na sana ang free concert, hakot crowds for optics and then this. A huge blow, indeed,” anang isang netizen.

AUTHOR PROFILE