Micaella Larawan mula sa IG/Micaella Raz

Legs na nakakatunaw, nakakasilaw

February 18, 2025 People's Tonight 212 views

LEGS legs legs mo ay nakakasilaw, legs legs legs mo ay nakakatunaw.”

Gaya nga ng nabanggit na lyrics sa isang kanta, iyan ang naging atake ng Vivamax actress na si Micaella Raz sa social media nang mag-post ito ng kanyang nakakasilaw at nakakatunaw na karisma.

Tampok si Micaella sa kalalabas pa lang na Vivamax original film na “Sponsor,” sa direksyon ni Albert Langitan. Kasama niya ang iba pang bituin na sina Angela Morena, Jem Milton, at Van Allen Ong.

Nasabik at pinanggigilan ng mga barako ang ibinidang nagkikinisang mga binti at seksing wangkata ni Micaella sa isang promotional picture kung saan nakasuot siya ng two-piece underwear habang nasa hagdan.

Smooth ang patakam niya sa ibinuyangyang na legs kung saan malinaw na malinaw ang kanyang kakinisan at walang bahid ng kadiliman ang balat nito.

Juicy rin ang boobey, lips, at hips ni Micaella. Talagang maglalaway ang mga kalahi ni Adan sa ipinakita niyang bersyon ni Eba.

Binaha ng netizens ng heart at fire emojis ang nasabing mga larawan ng Vivamax actress. Bet na bet nila ang ibinandera niyang killer body.

Bukod sa mga bagong pelikula, nakilala rin si Micaella sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Sabel Is Still Young (2022), Boso Dos (2023) at Virgin Forest (2022).

AUTHOR PROFILE