Maxene Larawan mula sa IG/Maxene Magalona

Legendary body

February 3, 2025 People's Tonight 130 views

OMG! That legendary body!”

Isa lang ‘yan sa mga naging reaksyon ng netizens nang muling ibandera ng aktres na si Maxene Magalona ang kanyang iconic figure.

Matinik gaya ng cactus sa kanyang background ang naging titig ng kanyang followers sa Instagram nang mag-post ang celebrity yoga instructor ng bikini photo.

Hindi init ng disyerto ang nagbigay pawis sa sangkalalakihan ng social media, kundi ang hotness overload na kaseksihan ni Maxene ang nagpatigang sa kanila.

Bidang-bida ang perpektong kurba ng aktres sa suot niyang two-piece bikini. Kaya nga ganoon na lang kung tawagin ang kanyang wangkata na legendary. Paano ba naman kasi, matindi ang tama ng kanyang killer body sa netizens.

Syempre hindi rin mawawala ang glowing skin niya. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang kakinisan ng celebrity yoga instructor.

Mga matatagal na niyang tagahanga mismo ang nagsabi na walang kupas ang taglay na alindog ni Maxene. Noon pa man hindi nawala ang pagiging pantasya niya sa mga ito.

Pinusuan ng kanyang social media followers ang post ng aktres. Binaha nila ng papuri ang kanyang comment section sa kung gaano ka-hot si Maxene sa nasabing larawan.

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar