Default Thumbnail

Legarda, Tulfo, Cayetano nanguna sa Jan. 2022 Pulse Asia survey

February 13, 2022 People's Tonight 320 views

NANGUNA sina Deputy Speaker Loren Legarda , broadcaster Raffy Tulfo, Taguig Rep. at dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa latest senatorial preference survey ng Pulse Asia.

Sa survey na ginanap noong Enero 19-24, 2022, nanatili sa top spot si Tulfo na nakakuha ng 66.1 percent; pumangalawa si Cayetano (58.2%); at pumangatlo naman si Legarda (58%).

Sinundan naman sila nina Gov. Chiz Escudero (55.7%); dating public works secretary Mark Villar (52.9%); Sen. Migz Zubiri (50.3%); Sen. Win Gatchalian (45.9%); dating Vice President Jojo Binay (44.5%); dating senador Jinggoy Estrada (40.4%); Sen. Joel Villanueva (40.4%); Sen. Risa Hontiveros (37.1%); actor Robin Padilla (35.9%); at dating senador JV Ejercito (33.9%).

Umangat ng apat na puwesto si Jinggoy Estrada upang maging pang-siyam sa talaan ng mga preferred senatorial candidates. Dati siyang nasa pang-labintatlong pwesto sa katulad na Pulse Asia Survey noong Disyembre 2021.

Napanatili naman ni Legarda at Binay ang pang 2-4 at 7-8 na pwesto sa talaan ng mga napipisil na senatorial candidates sa darating na Mayo.

Sina Legarda, Binay at Jinggoy Estrada ay kinikilala dahil sa kanilang malinaw at masigasig na adbokasiya para sa mahihirap na manggagawa, magsasaka, healthcare workers, mga guro at mga polisiyang maka-kalikasan.

AUTHOR PROFILE