Janno

Lead stars, nag-react sa pamba-bash sa ‘69+1’

August 10, 2021 Ian F. Fariñas 570 views

SA mahigit apat na milyong viewers ng official teaser ng sexy comedy na 69+1, ang latest project ni Direk Darryl Yap para sa Vivamax, hindi maiiwasang may naaaliw at meron din namang namba-bash dito.

Lalo pa nga’t nakatawag-pansin ang eksena kung saan bulgarang binanggit ng baguhang si Rose Van Ginkel ang salitang “k*ntutin” na bastos o taboo sa kulturang Pinoy.

Ang co-star nga ni Rose na si Janno Gibbs, inamin sa virtual mediacon kahapon ng 69+1 na maging ang isang pinsan niya ay nag-text para sabihin na hindi nito nagustuhan ang trailer.

Kwento ng “polyamory” o “trouple” ang movie na pinagbibidahan nina Janno, Rose at Maui Taylor. Bago ang temang ito sa Pinoy audience although sabi nga nina Janno at Maui, matagal nang pina-practice ang ganitong uri ng pakikipagrelasyon sa ibang bansa.

Kaya naman sa negative reactions, ito lang ang nasabi ng actor-comedian: “Ako, I take my cue from Maui. Kung sa States, sa abroad, eh, wala ito. Wala itong ginagawa namin. And compared to ’yung mga ipapalabas pa lang at kapapalabas pa lang sa Vivamax, this is nothing compared to what they’re doing na all-out sexy talaga and bold talaga na. This is a comedy.

“Du’n sa mga word na ginamit, eh, ’pag sa English mo sinabi ’yon, sa Netflix, eh, kung bitawan nila ’yon, dalawang beses per minute nila bitawan ’yon, ’di ba?

F*ck! Ano ba ang f*ck sa Tagalog? ’Yung mga kalalabas lang, ’yung Nerisa, ’yung Taya na lalabas, ’di ba, wala, wala kaming sinabi du’n. Ito salita lang.”

Ipinagtanggol din ni Maui ang kontrobersyal na one liner sa teaser: “Ang masasabi ko lang d’yan ay they’re free to judge, they’re free to say whatever it is that they want to say. Pero ’yung sa akin, sana panoorin muna nila ’yung pelikula bago sila, kumbaga, magbato ng kung anu-ano. I think ’yun ’yung nagiging mahirap sa atin ngayon, eh. Hindi pa napapanood, ang dami nang sinasabi.

“Ang dami nang lumabas na pelikula ni Direk Darryl na feeling nila hindi maganda, feeling nila may problema or basta may masasabing something about Darryl Yap din. Ang masasabiko lang d’yan is panoorin n’yo po muna,” pagsangga ni Maui.

Giit naman ni Rose, “Dahil lang siguro du’n sa term? Parang hindi magandang pakinggan, parang for example, k*ntutan tayo, parang hindi po talaga magandang pakinggan. Ganu’n po talaga ’yung ano, eh, ’yung sa totoong buhay, parang ganu’n siya talaga. Parang ’yung term lang talaga ’yung naiba. Ano lang talaga sa pandinig. Pero maganda po ’yung story nito, maayos po ’yung pagkakagawa namin. So siguro, naano lang talaga sila du’n sa word na ’yon.

“Since sa amin naman po, alam naman namin ’yung story at lahat, dedma lang po kami.”

Anyway ang 69+1 ay magkakaroon ng global premiere sa Vivamax sa September 3.

AUTHOR PROFILE