Lea

Lea, nagbigay-pugay sa pagpanaw ni Baby

May 24, 2021 People's Tonight 242 views

ANG mundo naman ang teatro ang nagluluksa ngayon sa pagpanaw ng theater icon na si Baby Barredo sa edad na 80.

Nagbigay-pugay ang Broadway superstar na si Lea Salonga sa pagpanaw ni Baby.

Isang litrato nito ang inilabas ni Lea sa kanyang Instagram account na may simpleng caption na, “Rest is peace. You’ve more than earned it.”

Produkto ng teatro si Lea bago naging artista at ngayon ay sa teatro pa rin siya lumalabas.

Sa social media account naman ng anak ni Baby na si Charlie Barredo, inanunsyo niya ang tahimik na pagkamatay ng ina last May 23, 2021 sa St. Luke’s Hospital sa Taguig City dahil sa multi-organ failure.

Co-founder si Baby ng Repertory Philippines

Nakikiramay po kami sa mga naiwan ni Baby Barredo…

NILALANGGAM SA KATAMISAN

MATAMIS na mensahe sa kaarawan ng boyfriend na si Sam Milby ang inilabas ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Insatgram.

Hindi nga lang magkasama ang dalawa dahil nasa Australia ngayon si Catriona.

“Happy birthday my love! So sad I can’t be with you today to celebrate (even though you hate birthdays) but I’m so thankful I get to do life with you. ILYSM (I love you so much,” caption ni Catriona.

May pa-throwback pic pa si Catriona ng nilalanggam sa katamisang litrato nila, huh! JUN NARDO

AUTHOR PROFILE