Lea

Lea, ikinumpara si Aga sa BTS member

July 24, 2021 Vinia Vivar 98 views

AgaAliw ang mga sagot ni Lea Salonga sa kanyang pa-Q&A (#AskMsLea) sa Twitter especially tungkol sa dati niyang leading man na si Aga Muhlach.

Natanong kasi kung ano ang hindi niya gusto kay Aga at sagot ni Lea, “He’s a bad texter. Parang si Jungkook. (There are things about JK that remind me of Aga. To anyone that watched Soop, it’s all right there.).”

Si Jungkook ay isa sa mga miyembro ng sikat na Korean boy band na BTS na fave na fave ni Lea.

Natanong din kung nagkita na ba sila ni Aga since the pandemic at aniya ay hindi pa.

Isa pang aliw na sagot niya ay nang tanungin kung ano ang weirdest question na naitanong sa kanya during an interview.

“Oh gosh… I might’ve been asked if I ever got plastic surgery (for the record, nope). I didn’t quite know how to handle it at the time,” sagot ni Lea.

Tinanong din siya kung ano ang masasabi niya sa bagong hairstyle ni Sarah Geronimo na fellow coach niya sa The Voice Philippines.

“I love it! I hope she loves it too,” sagot ni Lea.

At dahil nga isa siyang ARMY (tawag sa BTS fans), karamihan din sa mga tanong ay tungkol sa BTS. Natanong siya kung narinig na ba niya ang latest single ng grupo at kung ano ang reaksyon niya.

“Hindi ako ARMY if I haven’t heard that song. I love it! And what an amazing gift from BTS for the fandom!” sey ni Lea.

At sa tanong kung may plano ba siyang mag-concert soon, she replied, “So far the next one planned is for spring of 2022. Nothing set for earlier than that. I’m glad I have time to physically prepare for it, my singing stamina is low at the moment.”

PLANONG BINITIWAN

Tuluyan nang binitiwan ni Tupe (Gerald Anderson) ang kanyang planong magsimulang muli sa ibang bansa para sa kapakanan ng kanyang pinakamamahal na si Rita (Yam Concepcion), na dumanas ng kalunus-lunos na pang-aabuso ni Peterson (JM de Guzman) sa Init sa Magdamag, na napapanood gabi-gabi nang 9:20 sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel at Jeepney TV.

Isa pang magandang balita ang sumalubong sa kanya sa desisyon niyang ito dahil sinuklian ng isang pasyente ang kanyang kabutihan sa pamamagitan ng isang donasyon na lupa, na maaring patayuan ni Tupe ng isang charity hospital, isang pangarap na matagal na niyang hinihintay matupad.

Ngunit hindi niya inaasahang magkakalapit rin sila ni Rita nang malaman niyang titira na ito sa bahay na katabi mismo ng ipatatayong ospital.

Samantala, nagpaubaya na si Peterson sa kagustuhan ni Rita na maghiwalay sila sa pamamagitan ng annulment. Lingid sa kaalaman ni Rita, hindi basta-basta papayag ang asawa na mawala siya sa buhay nito.

Mula sa Star Creatives, ang Init Sa Magdamag ay nasa ilalim ng creative management ni Henry Quitain at direksyon nina Ian Lorenos at Raymond Ocampo.

Panoorin ito gabi-gabi, 9:20, sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Sa labas ng bansa, ito ay mapapanood sa The Filipino Channel habang and advance episodes nito ay nasa iWantTFC at WeTV iflix.

AUTHOR PROFILE