belab

LDR sa Swiss-Italian BF, ‘tinapos’ ni Bela

July 16, 2021 People's Tonight 186 views

NAGTAPOS na ang LDR (long distance relationship) ni Bela Padilla sa Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay.

Lumabas ng bansa si Bela ngayong buwan patungong Italy upang mag-reunite sila ni Norman.

Taong 2017 nang mag-meet ang dalawa sa Switzerland kung saan gumawa ng movie si Bela.

Nitong pandemic naging opisyal ang relasyon nila.

SIKAT NA CELEBS, MAY HATID NA KILIG-SAYA

ALIGAGA ang commuters ngayon ng LRT-1 dahil sa Kilig-Saya at Libreng LRT-1 Ticket Pass na hatid ng TNT sa Lunes, July 19.

Magsisimula ng 8 a.m. ang libreng sakay mula Baclaran station hanggang Balintawak kung saan wagi ang unang limang daang pasahero per station sa LRT-1. Binansagan ito “Kilig Saya Express.”

Binihisan ang LRT para ilunsad ang bagong kampanya ng pinakamalaking pre-paid brand ng bansa.

Kasama sa kampanyang ito ang mga sikat na celebrity gaya ng Pop Star Royalty na si Sarah Geronimo, Sue Ramirez at Thai idols na sina Nonkul Chanon (Bad Genuis), Gulf Kanawut (Tharn Type: The Series) at Asian superstar Mario Maurer (Love of Siam, Crazy Little Thing Called Love at Pee Mak).

“Nais ng TNT na magbigay ng simpleng kasiyahan at pagpapahalaga sa aming subsribers.

“Ang TNT Libreng Sakay promo sa LRT-1 na tinawag naming Kilig Saya Express ay aming handog sa mga TNT tropa na patuloy na tumatangkilik sa aming mga produkto at serbisyo,” ani Miriam Choa, FVP at Prepaid Marketing sa Smart Communications.

Ang train event of the year ay hatid ng bagong TNT promo, ang Double GIGA Video. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE