inton

LCSP:P1 fare hike sapat na

October 13, 2021 Jun I. Legaspi 147 views

SAPAT na yung P1.00 na provisional increase ng pamasahe sa halip na P3.00, ayon sa Lawyers Commuters Safety and Protection (LCSP).

Ito ang giit ni Atty. Ariel Inton, founder ng (LCSP) bilang tugon sa gustong increase na pamasahe ng mga transport group leaders sa regular fare sa Metro Manila, Region 3 at Region 4, sa katwiran napakamahal ng presyo ng diesel ngayon.

Kung payagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling ng transport groups ang dating P9.00 ay magiging P12.00 pesos ang singil ng minimum fare.

“Dami natin ang hinaing ng mga operators at drivers sa panahon ngayon na marami sa kanila ay namalimos na sa lansangan dahil hindi sila nakapamasada ng mahabang panahon ngayon pandemya. At nang ibinalik ang pasada ay bawas ang kanilang pasahero dahil kailangan sumunod sa health protocols para napanatili ang social distance sa public transport,” ani Inton.

Pero sa tingin ng LCSP ay masyado mataas ang hinihinging P3 para sa mga ordinaryong mananakay na marami sa kanila ay nawalan din ng trabaho at naghihikayos din sa buhay.

Diringgin ito ng LTFRB matapos maghain ng petisyon ang mga jeepney groups, Miyerkules, at sa LCS hiling namin na P1 na lang muna ang idagdag sa halip na P3, ani Inton.

Ayon kay Inton, sa tingin ng LCSP win-win solution ang P1 dagdag para maging
P10 na minimum fare.

“Bagamat hindi kalakihang pagtaas, ay mababalanse natin ang pangangailangan ng mga transport groups at kakayahan ng mga pasahero. Kailangan pa rin ituloy ang tulong ng pamahalaan sa mga drayber at operator at isang tabi muna ang mga polisiyang pahirap sa kanila sa panahon ng pandemya,” sabi pa ni Inton.

Miyerkules pormal ng isinampa ng tinaguriang Voltes-5 sa transport ang P3 dagdag sa pamasahe sa LTFRB.

AUTHOR PROFILE