inton

LCSP sa poll bets: Transport issues talakayin, resolbahin

July 25, 2021 Jun I. Legaspi 374 views

NGAYON pa lang humihingi na ng assurance ang commuter at transport group sa mga kakandidato sa parating na election sa mga issues sa transportation.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, sa ginawang survey ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), gustong malaman ng transport sector ang paninindigan ng mga kakandidato sa sumusunod na issues:

— Ang pag-aalis ng public land transport bilang public utility sa Senate Bill 2094 na magbubukas sa pagmamayari ng dayuhan na higit sa 40 per cent nationality restriction requirement ayos sa Saligang Batas.

— Ang gawing legal ang mga motorcycle for hire o motorcycle taxis.

— Ang pag-ooperate ng mga private motor vehicle inspection system at pagiging mandatory nito bago maka rehistro ang sasakyan.

— Coding ng private at public vehicles.

— Libreng personal insurance sa mga public transport drivers at kundoktor.

— Review and amendment sa exorbitant fines and penalty ng joint administrative order ng Department of Transportation, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, at Land Transportation Office (DOTr, LTFRB at LTO).

— Pag-aalis ng mga tricycles sa jurisdiction ng mga local government units (LGU) at paglipat nito sa isang national agency.

— Pagtatalaga ng isang Road Safety Agency.

— Pagaalis ng mga napakaraming requirements o red tape sa pagrerehistro ng sasakyan at pagkuha ng prangkisa.

— Pag-alis sa mga kotongerong enforcers at pagtatanggal ng mga illegal terminals at

— Phaseout ng mga delivery trucks, public utilities at mga pribadong sasakyan na higit na sa 15 taon

Pagdedemanda sa mga opisyales na nagpahirap sa transport sector sa kanilang panunungkulan.

Umaasa din ang LCSP na sa huling State Of The Nation Address ni President Rodrigo Roa Duterte ay ma-address rin ang Ilang issue sa transportation, saad ni Inton.

“Hindi man magkaisa ang transport sector sa mga kandidatong susuportahan ay magkasundo sana sa mga issues na dapat isulong ng transport sector para sa kapakanan ng nga pasahero at motoristang Pilipino,” dagdag ni Inton.

AUTHOR PROFILE