LCSP sa poll bets: Maging makabayan

July 20, 2021 Jun I. Legaspi 224 views

HINAMON ng isang commuter at transport advocate ang mga kakandidato sa darating na national election na itaguyod ang pagiging makabayan at ipaglaban ang constitution.

TUWIRANG tinukoy ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters and Safety and Protection (LCSP) na manindigan ang mga mananalong kandidato at huwag payagan maging batas ang Senate Bill 2094.

Ayon kay Inton, totoo naman na kailangan ang mga investors para sa patuloy na pag-unladng economy ng ating bansa “pero huwag naman ibigay sa mga foreign investors na magnenegosyo sa ating bansa ang 100% percent ownership.”

“Kailangan ang mga foreign investors sa mga public utilities kaya pwede na ang existing policy na 40% sa foreign ownership at sa mga hindi naman public utility ay pwedeng lumampas sa 40% ang ownership na pinapayagan ng batas,” ani Inton.

Maigting na ipinunto ni Inton na oras na maipasa ang nasabing SB 2094, libo-libong mga ordinary drivers, single operators at iba pa ang maapektuhan at tuluyang mawalwalan ng trabaho.

Kaugnay nito hinikayat ni Inton ang mga kandidato sa darating na national election na maging klaro ang position sa mahalagan isyu tulad ng SB 2094.

AUTHOR PROFILE