Inton

LCSP sa drug stores: Supply ng gamot sa ubo, sipon dagdagan

January 9, 2022 Jun I. Legaspi 177 views

MARIING nanawagan ang commuter at transport group sa mga otoridad na lunasan agad ang mahabang pila sa mga drug stores para makabili ng paracetamol.

Ang panawagan ay ginawa ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), dahil na rin sa report na maraming mga public utility vehicles (taxi, bus, conductor, van,truck, TNVS at motorcycle riders) ang nagkakasakit at walang mabiling gamot.

Panawagan ng LCSP sa mga drug stores na sana magsikap na madagdagan ang supply ng gamot sa ubo at sipon at huwag naman mag-hoard ng supply para maging available ito sa tao.

“Nananawagan din kami na sana ay mahigpit na i-monitor ng mga LGU ang bentahan sa mga drug stores upang makasiguro na may sapat na supply ng gamot sa tamang presyo. Basic service na kailangang kailangan ng mga tao mula sa lokal na pamahalaan,” ani Inton.

Dinagdag ni Inton na mahalaga rin na ma-check and supply ng mga maliliit na health centers kung saan mabilis na dumudulog ang mga mahihirap nating mga kababayan.

“Sana ay mabigyan ng ng libreng gamot ang mga health centers na ito para mga Pilipino na hirap makabili ng proteksyon sa kanilang kalusugan,” saad ni Inton.

AUTHOR PROFILE