LCSP pinapasuri ordinance sa pagsuot ng face shield sa QC

June 15, 2021 Jun I. Legaspi 278 views

PINASUSURI ng isang commuter at transport group ang ipinatupad na Quezon City Ordinance No. 2965 o “mandating the wearing of face shields in public transport, workplace, markets, and other identified commercial establishments within the territorial jurisdiction of QC”.

Ang masusing pagsusuri ay hiniling ni Atty. Ariel Inton, commuter at traffic advocate at founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), matapos umanong mag-viral sa social media ang isang kaganapan sa siyudad ng diumano ay pinaghuhuli ang mga pasahero sa pampasaherong bus dahil wala silang suot na faceshield.

Ayon kay Inton pinababa daw ang mga ito, tinikitan at pinagmulta. Depensa raw ng mga enforcers ipinatutupad lang nila ang QC Ordinace No. 2965.

Ayon kay Inton nagreklamo ang mga pasahero dahil sa abalang dulot ng panghuhuli. “Tama ba o mali?,”tanong ni Inton.

Paliwalag ni Inton maliwanag naman ang Sec. 3 ng ordinance “All persons, at all times, wear face shield on top of a face mask while on board public transportation, market, or indoor and enclosed spaces of identified commercial establishments in QC, regardless of the length of time in such public transportation.”

Pero ayon kay Inton,mukhang hindi tinapos ng mga enforcers ang pagbabasa ng ordinance kasi may karugtong pa ito at ang paliwanang ay “However, face shields are not REQUIRED to be worn by said persons if they are separated by a glass, acrylic, plastic or similar non-permeable materials that creates a barrier between their faces.

Ayon kay Inton, may mga plastic barrier na ang mga upuan ng mga public transportation sa pagitan ng mga pasahero. Kung ang mga hinuling mga pasahero ay nakasakay sa public transport na may “PLASTIC THAT CREATES A BARRIER BETWEEN THEIR FACES” hindi na required ang face shields.

Observation ng LCSP, kailangang suriin muli ang policy sa pagsusuot ng face shield upang hindi maging additional na pahirap sa ating mga mamayan, saad ni Inton.

AUTHOR PROFILE