Inton

LCSP: ‘No contact traffic apprehension’ isabatas

May 29, 2021 Jun I. Legaspi 219 views

ISINUSULONG ng commuter at transport group ang mabilis na pagsasabatas sa ‘no contact traffic apprehension’ policy.

Ito ang giit ni Atty. Ariel Inton, commuter at transport advocate at founder ng Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) para na rin sa kabutihan ng publiko lalo na sa hanay ng commuter at transport groups.

“Once and for all, maganda na maging batas ang no-contact apprehension,” saad ni Inton sa interview.

Ayon kay Inton dahil no-contact tiyak mawawala ang pangongotong sa lansangan at madidisiplina ang mga pasaway na driver.

Giniit din ni Inton na para maging mas successful ang nasabing policy labas sa mga traffic violators, may ilang mechanism ang dapat na ipatupad.

Paliwanag ni Inton na kapag wala ang mechanism na ito madalas na hindi ang driver ang ma-pepenalize kundi ang may-ari ng sasakyan na wala namang kasalanan.

Ayon kay Inton, sa kanilang meeting dumadaing ang mga transport operators, lalo na sa taxi at bus, dahil sa no-contact apprehension, ang nakukunan ng CCTV o DigiCam ay plate number ng sasakyan at sa address ng registered owner ipinadadala ang notice of violation.

Kapag hindi nabayaran ang fine at penalty ay hindi mairerenew ang registro ng sasakyan. Ang malimit na problema ay matagal dumating ang notice hanggang sa iwanan ng driver sa operator ang libo-libong unpaid no-contact penalties, saad ni Inton.

Sa hiwalay na interview suportado ng lahat ng transport at commuter groups ang isinusulong na panukala ng LCSP.

AUTHOR PROFILE