LCSP ikinagalak extension ng email, cp no. ng transport groups
INEXTEND ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang mandatory submission ng e-mail address at cellular phone number ng lahat ng mga transport groups at associations hangganv June 30, 2021 ng walang P10,000 penalty.
Ito ang sinabi ni Atty. Ariel Inton, commuter at transport advocate na founder rin ng Lawyers and Commuters Safety and Protection (LCSP) matapos pagbigyan ng leadership ng SEC ang request ng grupo.
Ayon kay Inton ang request ng LCSP at lahat ng mga transport groups at associations ay pinagtibay ni Kenneth A. Quimo, Assistant Director, Compliance Monitoring Division ng SEC.
Sa interview, sinabi ni Inton na sa replied letter na ipinadala ng SEC sa head office ng LCSP ay nagsasad ng “Please be informed that in a Notice dated May 7, 2021 posted on the SEC website, the deadline of compliance with SEC Memorandum Circular No. 28. series of 2020 had been extended, Without Penalty, until June 30, 2021.”
“Sa pangalan ng LCSP at ng Iba’t ibang transport groups at associations taos sa puso ang aming pasasalamat sa leadership ng SEC sa pag-extend ng submission ng mga e-mail address at cellular phone ng mga grupo. Talagang na relieve kaming lahat sa extension na ito, lalo na nga at walang P10,000.00 penalty,” saad ni Inton.
Nauna rito, itinakda ng SEC noong February 23, 2021 ang deadline ng submission ng mga e mail address at cellular phone number ng mga transparent groups at associations.
Ang late submission ay subject ng P10,000 penalty sa lahat ng mga transport groups at associations na mag-submit ng late ng kanilang mga e mail at cellular phone number.
Kaugnay nito hilining ng iba’t ibang transport groups at associations palawigin na ang extension hanggang December 31, 2021 dahil na rin sa pandemya.