inton

LCSP: Face shield policy nakakalito

November 21, 2021 Jun I. Legaspi 287 views

DAPAT gawing simple at isa lang para sa lahat ang policy sa pagsuot ng face shield para maiwasang malito ang tao, ayon sa commuter at transport groups.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), marami na sanang natuwa nang inanunsyo ng Malacañang na hindi na mandatory ang pagsuot ng face shield. Rekomendasyon din ito ng IATF at Metro Manila Mayors sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 1 to 3.

Sa public transport ay hindi na rin requirement ang face shield para makasakay ang pasahero ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Pero ayon kay Inton, nalito ang taong bayan sa sinabi ni acting spokesperson Karlo Nograles na ang Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution 149 ay may nakaakibat na na “without prejudice to employers still requiring its use for customers and employees”.

“Ibig sabihin ay – Ok hindi na required ng gobyerno ang faceshield, pero pwede pa rin ire-quire ng mga nay ari ng mga business establishment!,” aniya.

“Abay parang wala rin! Paano malalaman ng tao na sa pupuntahan nilang establishmento ay required ang face shield o hindi? Kaya para sigurado ay magsusuot na rin sila! At paano sa public transport kung ang operator naman ay mag require sa pasahero nila na dapat naka face shield ang sakay nila. At sa mga LGU na may face shield na ordinansa tulad sa Quezon City na nagpapataw ng multa at kulong sa hindi tamang pagsuot ng face shield? Malaking kalituhan sa hulihan!,” dagdag pa ni Inton.

Tanong pa ni Inton: “Bakit hindi ba pwede simple lang na voluntary na ang pagsuot bg face shields sa mga lugar sa ilalim ng Alert level 1 to 3 maliban sa mga hospital at health facilities PERIOD! Bakit binigyan pa ng diskresyon ang may ari ng mga establishmento. Kung ganun rin lang para sigurado ay mag face shield na lang para hindi ka maabala!”

Iminungkahi ni Inton na sana ay magkaroon ng malinaw na polisiya na wala ng “depende pa ” sa mayari ng establishmento.

“Pagkaganito na pabagubago ang polisiya sa pagsuot ng face shield nalilito ang taong bayan,” saad ni Inton.

AUTHOR PROFILE