
LCSP: Driver di car owner panagutin sa no contact apprehension policy
MARIING nanawagan ang commuter at transport groups sa Quezon City Council pag-aralan mabuti kung dapat bang ipasa sa panahon ng pandemya ang proposed “No-Contact” traffic apprehension policy.
Panawagan ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sana ay makonsidera ang mga amendments na mungkahi ng LCSP ng city council ng Quezon City.
Ang nasabing proposed No-Contact Traffic Apprehension Police ay nakaumang na sa 2nd reading ngayon Linggo, kaya pakiusap ng grupo ma-integrate ang kanilang mga panukalang amendments.
Ang naturang proposed policy ay layun ang “in order to enhance the culture o traffic discipline among motorists”.
Ayon kay Inton, “maganda ito pero dapat maayos din ang magiging implementation nito upang hindi maging pabigat sa tao lalo na sa panahon ng pandemya.”
Saad ni Inton, malaking aspeto ang technology sa implementation ng policy dahil sa isang public hearing inamin ng magiging provider ang technology na gagamitin ay pareho din sa ibang mga local government unit na walang kakayahang makunan ng CCTV ang driver kungdi ang plate lamang ng sasakyan.
Lumabas ang kayang makuha lamang ng CCT ay ang plate number ng sasakyan at hindi kasama ang driver, saad ni Inton.
Iginiit ng LCSP sa kanilang mungkuhi na dapat driver ang panagot at hindi ang registered owner.
“Aandar ba o tatakbo ang isang sasakyan kung walang driver, eh bakit yung sasakyan o registered owner ang penalized sa violation na ginawa ng driver nasaan yung logic?,” saad ni Iton
Ayon kay Inton, sa ngayon ay napakalaking usapin ito sa mga motorists lalo na sa transportation industry, bukod pa sa mabagal at matagal na pagpapadala ng summons.
Reklamo pa ng mga transport owners at operators, dahil sa hindi malinaw na policy ito rin ang pangunahing dahilan kung bakit maraming delay sa mga renewal ng registration ng mga sasakyan kung kayat napipilitan magmulta ang mga registered owners.
Umaasa ang LCSP at mga kaalyadong grupo lalo na ang transport industry ikukunsedera ng QC Council ang kanilang mga pakiusap na amendment.
Nauna rito, gusto rin ni Quezon City Council Winnie Castelo na huwag munang ipatupad ang naturang proposed city ordinance.