Ariel Inton

LCSP aprub sa coding exemption para sa public transportation

July 4, 2021 Jun I. Legaspi 924 views

ONE hundred percent suportado ng commuter at transport groups ang panawagan ng mga transport experts na huwag isama sa coding ang public transportation.

Ang pahayag ay ginawa ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), makaraang mapaulat na pinag-aaralan umano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDAP) na ibalik na ang coding scheme sa Metro Manila.

Ang codimg scheme ay sinuspinde dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa isang interview, inanunsuyo ni Inton ang full support LCSP na huwag isama sa coding scheme ng MMDA ang mga public transportation upang hindi mabawasan ang masasakyan ng mga pasahero.

Ayon kay Inton, ang effective na solution sa traffic problem ay ang effective public transportation.

Paliwanag ni Inton, ang effective na pagbabawas ng mga vehicles sa mga lansangan ay mangyayari lamang kung may maraming effective public transport na masasakyan ang mga commuters.

“Magkaganun man, dahil sa hirap kumuha ng franchise dahil na rin sa sandamakmak na requirements ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay malabong matupad agad ang hangaring ito,” saad ni Inton.

Umaasa ang LCSP at mga kaalyadong commuter at transport groups na pakikinggan ng MMDA ang kailangan panawagan.

AUTHOR PROFILE