BBM

Laurel sa Brunei investors: PH agri handa na sa foreign investment

June 4, 2024 Cory Martinez 131 views

HINIKAYAT ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mga investor mula sa Brunei na mamuhunan sa sektor ng agrikultura ng Pilipinas dahil handa na ito sa mga foreign investment.

Sa isang forum sa Brunei na kung saan dinaluhan ng iba’t-ibang business group ng naturang bansa, inilatag ni Tiu Laurel ang iba’t-ibang oportunidad sa agri-trade at agri-business at tiniyak nito na handa ang bansa na tumanggap ng foreign investment para sa sektor ng agrikultura.

Si Laurel ay isa sa mga opisyal na kasama ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa pagbisita nito naturang bansa kamakailan.

Lumahok si Laurel sa mga talakayan na naglalayon na palalimin pa ang economic at diplomatic ties sa pagitan ng dalawang ASEAN member nation.

“Our President’s visit figures to further invigorate bilateral relations between the Philippines and Brunei in various areas. The Philippine Department of Agriculture is certain that this remarkable event will lead to partnerships and collaborations that will further deepen our economic ties in the field of agriculture,” paliwanag ni Tiu Laurel sa mga negosyante.

Ayon kay Tiu Laurel, makakapag-alay ang Pilipinas ng isang matibay na domestic market para sa produktong agrikultura at pangunahing pagkain.

Ibinida din ni Tiu Laurel sa naturang forum ang estratehiyang lokasyon ng bansa na itinuturing na gateway sa mapagkakakitaang export market sa Kanluran na ang may malakas na demand sa pangunahing produkto tulad ng saging, niyog at pinya.

“The Philippines still has an export potential of approximately USD2.7 billion for tropical fruits and vegetables, USD452 million for fish and shellfish, and USD2.2 billion for processed foods and beverages. Stimulating this potential are our preferential trade agreements with other countries,” dagdag pa ni Tiu Laurel.

Binigyang-diin din ni Tiu Laurel ang masaganang land at fishery resources ng bansa na nagsisilbing pundasyon para sa agro-processing at ang dami ng mga manggagawa sa kanayunan.

“The country is a fertile ground for trade partnerships and agribusiness investments. We are inviting investors to collaborate with our private sector and institutions and leverage technological advances for productivity gains. Investors can also contribute to sustainable practices and build resilient supply chains. Foreign investors can benefit from various incentives, tax breaks, and streamlined processes that the Philippine government offers,” sabi pa ni Tiu Laurel sa mga negosyante.

AUTHOR PROFILE