Posas

Lasing tiklo sa pananaksak ng sibat

September 12, 2023 Edd Reyes 315 views

NAUWI sa pananaksak gamit ang sibat ang mainitang pagtatalo ng isang lasing at kanyang kapitbahay sa Pateros noong Linggo.

Naaresto ang suspek na si Mario Baldoza, 46, nang humingi ng tulong ang mga opisyal ng barangay matapos sumugod ang suspek sa bahay ng kanyang nakaaway na si Reynaldo Estrella, 49, ng Sitio Pagkakaisa, Brgy. Sta Ana, Pateros.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Roderick Mariano, armado ng sibat si Baldoza nang pasukin ang bahay ni Estrella bago mag-ala-1:00 ng hapon noong LInggo.

Unang sinugod umano ng saksak ng suspek si Emerald Estrella, 35, pero pinigilan ni Reynaldo kaya siya ang pinagbalingan ng saksak.

Nakuha ng mga nagrespondeng pulis sa suspek ang sibat na ginamit sa panghahalihaw ng saksak.

Mga kasong attempted homicide, trespassing, grave threat, at illegal possession of deadly weapon (BP-6) ang kakaharaping kaso ng suspek sa Pateros Municipal Prosecutor’s Office.

AUTHOR PROFILE