Lasing pinatay 6-anyos na anak, nagbaril sa sarili

September 14, 2022 Gil Aman 263 views

PATAY ang isang anim na anyos na batang babae matapos barilin habang mahimbing na natutulog ng kanyang lasing na ama na nagbaril din sa sarili matapos sa kanilang tahanan sa Bgy. Bagumbayan Sta Cruz, Laguna.

Kinilala ni P/Lt. Col.Jack Angog, hepe ng Sta Cruz police, ang biktima na si Zhe-Yee Quianne Agculao Laguitnay.

Ididelarang dead on arrival sa ospital ang batang paslit na nagtamo ng ilang tama ng bala sa kanyang katawan.

Ang ama na nagbaril din sa sarili na idineklarang dead on arrival bunsod ng tama ng bala sa ulo mula sa hindi mabatid na kalibre ng baril.

Ang suspek ayon sa pulisya ay security guard ng isang negosyante mula sa Muntinlupa City.

AUTHOR PROFILE