Default Thumbnail

Lasing nanlamas, himas-rehas!

April 23, 2023 Edd Reyes 904 views

INARESTO ng mga barangay tanod ang lasing na lalaking nanghipo umano ng puwet at nanlamas ng dibdib ng 28-anyos na babaing e-trike driver at dalagita nitong pasahero Linggo ng madaling araw sa Malabon City.

Kaagad nakahingi ng tulong ang dalagang e-trike driver kina Joel Cruz at Allan Arnado, kapuwa tanod ng Barangay Dampalit na nagkataong nagpapatrulya sa lugar na dinaraanan ng pampasaherong e-trike na dahilan ng pagkakadakip sa suspek na si Rojine Pangyarihan, 34, walang trabaho, at residente ng M. Sioson St. Brgy. Dampalit.

Sa ginawang imbestigasyon ni P/SSgt. Mary June Belza ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Malabon police, ipinapasada ng dalagang biktima ang kanyang e-trike, sakay ang 15-anyos na dalagitang pasahero mula Brgy. Concepcion patungong Brgy. Dampalit nang sumakay ang suspek dakong alas-12:30 ng madaling araw.

Pagsapit sa Merville St. sa Brgy. Dampalit, bigla na lamang sumigaw ang dalagitang pasahero matapos na hipuin umano ang kanyang puwitan at murang dibdib, bago binalingan naman ang dalagang driver at siya naman ang hinipuan sa puwet sabay lamas sa kanyang mayamang dibdib.

Dito na inihinto ng biktima sa tapat ng nagpapatrulyang barangay tanod ang e-trike at isinumbong ang kahalayang ginawa sa kanila ng suspek.

Iniutos na ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro sa WCPD na sampahan ng dalawang bilang na kasong Acts of Lasciviousness angsuspek na ang isa ay may kaugnayan pa sa R.A. 7610 o ang Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination bunga ng pagiging menor-de-edad ng isa sa dalawang biktima sa Malabon City Prosecutor’s Office.

AUTHOR PROFILE