Default Thumbnail

Lasing nahulog sa bldg, naipit sa bakal, sugatan

May 30, 2022 Melnie Ragasa-limena 271 views

 

Ni MELNIE RAGASA-JIMENA

SUGATAN ang isang lalaki nang mahulog matapos umakyat sa gusali ng isang kumpanya sa Barangay Paligsahan, Quezon City, nitong Lunes ng madaling araw.

Ang biktima ay nakilalang si Ravy Vergara, residente ng 6 Panay Avenue corner Dr. Garcia St., Brgy. Paligsahan, Quezon City.

Sa report ng Kamuning Police Station 10 ( PS 10) ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 1 a.m. (May 30) nang maganap ang aksidente sa Panay Ave. kanto ng Dr. Garcia St., Brgy. Paligsahan, sa lungsod.

Batay sa report ng mga nagrespondeng sina PMaj. Adonis Paul Escamillan at PSSg Niel Agbayani, dahil umano sa kalasingan ay nahulog ang biktima at naipit sa mga bakal ng R-MAC Builders Construction na matatagpuan ‘di kalayuan sa kaniyang tahanan.

Sinabi ng mga kapitbahay, nakita umano nila na pasuray-suray na umakyat sa gusali ng MAC Builders Construction ang biktima subalit makalipas lamang ang ilang minuto ay nakita nilang nahulog ito.

Ayon sa nagrespondeng mga pulis agad silang tumawag ng ambulansiya sa Barangay at inutusang putulin ang bakal sa pamamagitan ng Acetylene saka isinugod ang biktima sa kalapit na ospital.

Agad na isinailalin sa surgery ang biktima at patuloy pang inoobserbahan, ayon sa ER-Consultant. na si Dr. Francisco Arcillana.