Lasing na truck driver bistado sa MPD-SMART

April 26, 2022 Jonjon Reyes 115 views

NAGKAROON muna ng umaatikabong habulan bago binitbit ang isang lasenggong truck driver makaraang masita sa mabilis nitong pagmamaneho at nagpakita ng “dirty finger” pa kay Special Mayor’s Reaction Team (SMART) Chief P/Lt. Col. Rosalino Ibay Jr. nang sitahin dahil sa matulin niyang pagpapatakbo ng 60 footer van sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard, dating Road 10, sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ng MPD (Manila Police District)-SMART, dalawang beses umano na-cut ang minamanehong truck ng suspek na si Joel Alcaraz ang sasakyan ni Ibay na kanyang nakasabay.

Ngunit nang sitahin ay naglabas pa ng “dirty finger” ang truck driver at saka ipinagpatuloy ang matulin na pagmamaneho.

Dito nadiskubreng lasing ang suspek nang magsiyasat ang pulisya, Lunes pasado alas-6:00 ng gabi.

“This driver is not just reckless, but intentionally wants to harm other motorists,” pahayag ni Ibay.

Dahil dito itinurnover na ang truck driver sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), matapos itong isailalim sa alcoholic test sa pinagdalhang pagamutan.

Si Alcaraz ay nahaharap sa kasong driving with the influence of liquor o Traffic Law under R.A. 4136 at R.A. 10586 – An Act Penalizing Persons Driving Under The Influence Of Alcohol, Dangerous Drugs, And Similar Substances, And For Other Purposes” kilala bilang “Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013”.

AUTHOR PROFILE