Lapid walang tigil sa pamimigay ng ayuda
KAHIT bumabagyo, walang tigil si Supremo Sen. Lito Lapid sa pamamahagi ng ayuda sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong.
Nasa 500 hairdressers, TODA drivers at mga pasyenteng humihingi ng tulong medikal kay Lapid ang napagkalooban ng ayuda sa isla ng Boracay nitong Miyerkules ng hapon.
Sa kanyang mensahe, inaasahan ni Lapid na makatutulong ang ayuda sa pangangailangan ng mga benepisyaryo sa gitna ng nararanasang krisis.
Nauna rito, sinuyod ni Lapid ang bayan ng Kalibo at Makato para sa distribusyon ng AKAP program ng DSWD at TUPAD ng DOLE nitong Martes.
Nananalangin naman si Lapid na sana’y malayo sa panganib ng bagyong Kristine ang ating mga kababayan sa Luzon at Visayas na pinalubog na ng mga pagbaha.
Nanawagan si Lapid sa mga kababayan natin na manatiling nakaugnay sa ating pamahalaan at agad na lumikas sa mas ligtas na lugar kung kinakailangan.
Inihahanda naman ngayon ng tanggapan ng Senador ang kanilang bahaging lingap para sa mga nasalanta ng bagyo.