Lapid pasok sa Magic 12 Pulse Asia senatorial survey
NAMAMAYAGPAG si Senador Lito Lapid sa ranking ng 12 senatorial preference para sa 2025 elections sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Sa survey na ikinasa noong November 2 hanggang 11, nananatili sa 100 percent ang awareness at nasungkit ni Lapid ang ika-sampung pwesto na may 40.2 percent ng mga respondent na handang buboto sa kanya.
Ayon kay Sen. Lapid, nagpapasalamat sya sa mga kababayan nating patuloy na nagtitiwala at nagmamahal sa kanya.
Sakaling palarin sa ika-4 na termino, hangad ni Lapid na maipagpatuloy pa ang mga nasimulan na nyang mga proyekto at mga programa para sa pagpapalago ng agrikultura, promosyon ng turismo, de kalidad na edukasyon, maayos na kalusugan at paglikha ng mga trabaho sa bansa.
Bilang Chairman ng Tourism Committee sa Senado, isinusulong ni Lapid ang paglalaan ng dagdag pondo sa Dept. of Tourism para sa promosyon at pagpapaganda ng mga tourist destination sa bansa na sya umanong lilikha ng mga trabaho.
Sa nakalipas na surveys ng SWS at Octa Research, nasa ika-7 hanggang ika-9 na pwesto si Lapid sa mga senador na iboboto ng mga botante sa eleksyon sa susunod na taon.
Sa unang termino ni Lapid noong 14th Congress, ika-apat ang Kapampangan Senator sa mga Senador na nakapag-sumite ng higit 400 bills at resolutions.
Si Lapid ang awtor ng Free Legal Assistance Act of 2010 o Lapid Law na nagbibigay ng libreng legal service sa mga mahihirap na Pinoy na walang kakayahang bumayad o mag-hire ng abugado.
Pinakahuling naaprubahan ng Senado sa third and final reading ang panukala nyang gawing Culinary Capital of the Philippines ang Pampanga.
Si Lapid din ang awtor ng nilagdaan ni Pang. Bongbong Marcos, Jr. na Republic Act No. 12007 o ang suspensyon ng pagbabayad ng utang ng mga estudyante sa paraalan sa panahon ng delubyo at iba pang emergencies.
Tuloy-tuloy ang pagsusulong ng ni Lapid ng mga panukalang batas para maiangat ang buhay ng mga masang Pilipino.
Isa pa sa landmark piece of legislation na inakda ni Lapid ang Republic Act No. 11767, o ang Foundling Recognition and Protection Act, na nagtatakda ng legal basis para i-register at suportahan ang orphaned children at iba pang foundlings o batang-pulot.
Naging ganap na batas din ang inakda ni Lapid na Republic Act No. 11551, na nag-integrate sa labor rights education sa tertiary education
curriculum.
Ilang pa sa mga mahahalagang batas na inakda ni Lapid ang mga sumusunod:
•Republic Act No. 10367 (Biometrics Law)
•Republic Act No. 10645 (Expanded Senior Citizens Act of 2010)
•Republic Act No. 9850 (Arnis as the National Sport of the Philippines)