Lapid

Lapid: Kaligtasan ng Pinoy sa Taiwan alamin, siguruhin

April 3, 2024 PS Jun M. Sarmiento 93 views

INABISUHAN ni Senador Manuel Lito Lapid ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taiwan na agad alamin ang kundisyon ng mga Pinoy doon matapos tumama ang 7.5 magnitude na lindol ngayong April 3, 2024, Miyerkoles.

Ayon kay Lapid, kailangan na masiguro ng mga opisyal ng MECO ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan, lalo na ng mga OFW na nagtatrabaho sa Taiwan.

“Nakaatang sa MECO ang pagtulong sa ating migrant workers para sa kanilang kapakanan, kaligtasan at promosyon ng economic and cultural relations sa Taiwan,” diin ni Lapid

Ang Pilipinas ay ikatlo sa pinakamalaking source ng foreign workers sa Taiwan, na pinangunahan ng Indonesia and Vietnam.

Base sa data ng OWWA, as of 2021, umabot na sa 147,000 Pinoy ang nagtatrabaho sa Taiwan.