Default Thumbnail

Lapid: Ideklara ang Quiapo bilang National Heritage Zone

January 9, 2023 Marlon Purification 207 views

Marlon PurificationMULING ipinanukala ni Senator Manuel “Lito” M. Lapid sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso na ideklara ang Quiapo district bilang National Heritage Zone dahil punung-puno ng kasaysayan ito, lumang istraktura, kayaman sa kultura at higit sa lahat ay banal na tahanan ng Minor Basilika ng Itim na Poong Nazareno.

Ang panukala ni Lapid ay inihayag kasabay ng pagdiriwang ng Pista ng Poong Nazareno nitong nakalipas na Lunes, Enero 9.

Bagaman hindi naisagawa ang tradisyunal na Traslacion, matagumpay at naging mapayapa naman ang tinatawag na Walk of Faith kung saan dinaluhan ng daang-libong deboto.

Nais ni Lapid ang pagdedekara sa Quiapo bilang Heritage Zone, particular na ang nasa paligid ng Simbahan ng Quiapo, ang Plaza Miranda, ang katabing San Sebastian Church at Plaza del Carmen.

Ipinadedeklara ito ni Lapid sa pamamagitan ng panukalang “Quiapo Heritage Zone Act” na mangangalaga sa kalumaan at kagandahan sa paligid. Maganda rin aniyang magdagdag dito ng ilang recreational facilities bilang pandagdag atraksiiyon, gayundin ang pagpapalago sa mga nagnenegosyo rito.

“Mula pa kahapon ay libu-libo nang deboto at panata ng Poong Nazareno ang nagtungo sa Quiapo upang ipahayag ang kanilang pananampalataya. Isa lamang ito sa napakaraming okasyon na patunay sa napaka yamang kasaysayan, tradisyon at kultura ng Quiapo na dapat nating pahalagahan at protektahan,” Lapid said.

Sa inihaing Senate Bill (S.B.) No. 1471, binigyang-diin ni Lapid sa kanyang explanatory note na ang Quiapo ay tunay na saksi sa mga mahahalagang kaganapan sa bansa. “And we will be remiss on our historical obligations to future generations of Filipinos if we let Quiapo fall into disrepair and fade into oblivion,” sabi pa niya.

“Dahil kinikilala natin ang kahalagahan ng Quiapo sa ating kultura at kasaysayan, at di matatawarang ambag sa pambansang kaunlaran, dapat lamang ipakita ng pamahalaan ang kanyang pagpapahalaga dito sa pamamagitan ng pagtatakda sa Distrito ng Quiapo bilang isang Historical and Cultural Heritage Zone,” dagdag pa ng senador.

Ang Quiapo Heritage Zone ay magiging isa rin sa prayoridad ng Department of Tourism (DOT) at iba pang concerned departments and units. “And shall be subject to the rules and regulations governing the development of national heritage zones,” wika pa sa panukala.

Magiging katuwang din dito ang Manila City Government kung saan ay makakukuha sila ng pondo at assistance mula sa DOT, gayundin sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), mga affiliated cultural agencies; National Historical Commission of the Philippines (NHCP), Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Kasama sa magiging heritage sites ng Quiapo Church, ang Minor Basilica of San Sebastian, Masjid Al-Dahab (the Manila Golden Mosque and Cultural Center), Plaza del Carmen, Plaza Miranda, Quinta Market, Calle Hidalgo, Padilla Art Gallery, Globo de Oro Street, at marami pang makasaysayang lugar sa paligid nito.