Laperal, 3 pang mansions binuksan sa foreign heads of state, diplomats
BINUKSAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Laperal Mansion at tatlong iba pang mansyon sa paligid ng Malakanyang para sa mga bibisitang foreign heads of state at diplomats.
Ayon sa Presidential Communications Office, mismong si First Lady Liza Marcos ang nag-tour sa mga diplomats sa Laperal Mansion,
“The tour was a showcase of Filipino culture and is a part of the ongoing efforts of the President to restore and preserve Philippine heritage sites,” pahayag ng PCO.
Inayos ang tatlong mansyon para gawing museums. Bukas din ito sa publiko at libre ang entrance fee.
Ipinakita ng First Lady ang Laperal Mansion na kilala sa eleganteng European-inspired mansion na may 14 na kwarto at dalawang sun rooms na ipinangalan sa mga dating pangulo ng bansa.
Kasama rin sa Laperal Mansion ang tatlong state rooms na ipinangalan kina Magellan, MacArthur at Rizal.
“This collaborative effort has resulted in a revival of heritage, a showcase of local talent, and a celebration of foreign diplomacy,” pahayag ng PCO.
Magsisilbi ang Laperal Mansion na official Presidential Guest House ng foreign heads of state o government.