Lani

Lani at mister, na-damage ang nerves sa utak … singer, muntik talikuran ang pagkanta

May 21, 2021 Vinia Vivar 201 views

Martin“Life has to go on.” Ito ang pahayag ni Asia’s Nightingale Lani Misalucha kahapon sa virtual presscon ng upcoming digital concert nila ni Concert King Martin Nievera na New Day.

Many people may not know it pero kasalukuyang may pinagdaraanang medical condition si Lani na nagsimula last year nang magkaroon siya at ang asawang si Noli ng bacterial meningitis.

Sa nasabing virtual presscon ay idinetalye ng singer ang buong pangyayari.

“Last year, October, my husband and I went through health/medical difficulties. ’Yun ang ibinigay na trial sa amin last year. It was August when my husband had a heart attack so I had to rush him to a hospital and he had a triple bypass (operation),” simula ni Lani.

After the surgery, noong October ay na-diagnose naman silang mag-asawa na may bacterial meningitis.

“I guess, all of us naman talaga were praying, we’ve been praying to God that, you know, somehow, He would spare us from this dreadful disease na COVID and our loved ones, hindi ba?

“Hindi nga kami nabigyan ng COVID pero it was something else. It was the bacterial meningitis,” patuloy niya.

Gumaling na raw sila sa nasabing sakit pero ang nakakalungkot ay na-damage ang ibang nerves nila sa brain.

“Nagkaroon kami ng swelling, ’yung husband ko, nagkaroon ng hemorrhage, and ang pinaka-effect nito was loss of hearing. Ngayon, mas matindi na ’yung pagkabingi ng husband ko, mas malala na.

“Ako, nagkaroon ng kaunting improvement but my right ear is deaf. ’Yung nare-receive niyang whatever sound na papasok sa right ear ko was all just scratches,” she narrated.

Hindi rin pantay ang pandinig ng kanyang tenga. Ang left ear ay nakakarinig ng high frequency sounds habang ang kabila naman ay mas mababa.

“It’s so difficult to listen to sounds,” aniya.

“And since may imbalance sa hearing namin, meron na rin kaming problem sa equilibrium namin. Hanggang ngayon, nahihilo kami. Kaya ’yung nodding of my head, hindi ko masyadong nagagawa dahil talagang nakakahilo.”

Parang semi-disabled na rin daw sila dahil ni hindi sila makapag-drive at kailangan ng kasama kahit saan magpunta.

“But nakakalakad naman na ako nang straight, nakaka-function naman ako. Medyo somehow productive na kahit papaano. But it’s still difficult. It really took a toll on my emotional health as well,” saad niya.

Dumating na nga raw sa point na ayaw na niyang kumanta pa dahil hindi niya naririnig ang sounds properly at pati ang sarili niyang boses ay hindi na rin daw niya naririnig nang tama.

Nahihilo pa rin daw siya ngayon kahit kaunting movement lang ng kanyang ulo’t hindi pa raw talaga siya 100% okay emotionally and physically.

“But you know, just like everybody is saying, we have to go on, our lives have to go on. And that’s what I’m trying to do now,” aniya.

Bagama’t pumasok sa isip niya na mag-quit na sa pagkanta, after a while ay na-realize niya na hindi ito dapat makapigil sa kanya para gawin ang bagay na gusto niyang gawin.

“It’s not going to stop me from doing what I love to do, which is you know, singing. There may be some struggles here and there but you know, just like I said, I want my life to go on, I want to be normal again, I want to feel the usual vibrant and energetic Lani,” sey niya.

Produced by Star Media Entertainment, ang New Day virtual concert ay gaganapin sa The Theatre at Solaire and will be streaming worldwide via KTX.ph, IWantTFC, TFC IPTV on June 5, 8 p.m., PST/US and on June 6, 8 p.m., Manila time.

Tickets are priced at P2,500 for VIP and P1,200 for regular.

Makakasama rin nina Lani at Martin ang OPM hitmakers na sina Rey Valera, Nonoy Zuñiga at Marco Sison as guests.

The concert will be directed by Paolo Valenciano habang si Louie Ocampo naman ang musical director.

AUTHOR PROFILE