Lanete Mascarinas: Move on na ang Chooks.

Lanete bagong coach ng Chooks-to-Go

August 15, 2022 Robert Andaya 350 views

TULOY pa din ang laban para sa Chooks-to-Go.

Ito ang pagtitiyak ni Chooks-to-Go Pilipinas owner Ronald Mascariñas matapos ang pagkawala ni head coach Aldin Ayo at paghirang kay Chico Lanete bilang kapalit.

“We do not see it as a setback. We will continue to take good care of our players and give them everything they need as they continue their journey in the global FIBA 3×3 pro circuit,” paliwanag ni Mascariñas sa isang press statement.

“We move on,” dugtong pa ni Mascariñas matapos makipag-pulong sa kanyang mga players na sina Lanete, Mac Tallo, Zach Huang, Chico Lanete, Dennis Santos, Brandon Ramirez, Ken Holmqvist, Dave Ando, Mike Nzeusseu, at Henry Iloka.

Inihayag din ni Mascariñas na kasslukuyan silang naghahanap ng isang foreign consultant na makatutulong kay Lanete sa kanyanh bsgong tungkukjn bilang head coach.

Ninanais din niya na magdagdag ng iba pang mga players para sa tesm.

“We are currently in the process of adding more players to our pool and giving Coach Chico everything he needs as our leader,” pahayag pa ni Mascariñas.

“This will not stop us in our mission of gaining valuable FIBA 3×3 points for the country in hopes of making it to the Paris Olympics in 2024, “dugtong niya.

Bago dito, ang Chooks-to-Go ay magho-host ng dalawang Super Quests at ang Chooks-to-Go FIBA 3×3 Cebu Masters at iba pa.

AUTHOR PROFILE