Lambingang LA at Kira tumatak sa press
ISA sa mga eksenang tumatak sa press na nanood ng red carpet premiere screening ng OFW drama na “Maple Leaf Dreams” ang lambingan at kissing scenes ng mga bidang sina Kira Balinger at LA Santos.
Tanong tuloy nila sa dalawa, sila na ba sa totoong buhay?
Sagot ni Kira, “Actually, I really had no intention of, like, doing the kissing scene. Pero kasi, it’s what the script requires. And kami ni LA, we’re no longer children, ‘di ba? So ang masasabi ko about those lambingan scenes, I’m just happy na si LA ‘yung partner ko dito dahil matagal na po kami ni LA magkakilala so siyempre, na-establish na po ‘yung trust. I would feel a lot more nervous kung iba po ‘yung naging partner ko for this movie.”
Para naman kay LA, ang duda ng press na sila na nga in real life ay pagpapatunay ng kagalingan ng kanyang leading lady.
Paliwanag ng aktor, “Ako, personally, du’n ko masasabi na sobrang galing ni Kira na artista po. Dahil akala n’yo totoo na, eh. Naniwala kayo eh. Kaya ako, sobrang happy ko na si Kira ‘yung naging partner ko dito kasi alam ko siya lang ang makakapagbigay justice na maniniwala ‘yung mga tao talaga. Kaya ayun po, naniwala naman po kayo, kaya I’m very happy na na-in love rin kayo.”
Bukod kina LA at Kira, nasa cast din ng Benedict Mique film ang mga beteranong artistang gaya nina Joey Marquez, Snooky Serna, Malou Crisologo, Miss International 2013 Bea Rose Santiago, Jong Cuenco at Ricky Davao.
Nakasama rin nila sa pelikula ang ilang Pinoy artists na based na sa Canada tulad nina Benito Mique, at Wilson Martinito.
Produced ng 7K Entertainment, Lonewolf Films, ABS-CBN Star Magic at distributed ng Quantum Films sa bansa at Robe Entertainment sa Canada, ang “Maple Leaf Dreams” ay mapapanood na sa mga sinehan sa ’Pinas ngayong September 25 at sa iba’t bang cities sa Canada sa September 27.